Chapter 16 - Meet Venice Moore
' Just wait , and let destiny come to you '
**
Patricia POV
Maaga akong dumating sa classroom at tahimik sa aking upuan. Hindi ko maiwasan ang isipin ang naganap noong isang araw. Hindi ko ieexpect na dun din sa araw na iyon kami maglalaban ng The Shadow Gang at mas lalong hindi ko ineexpect na pinanood pala nila ang laban nila Demonri sa arena kaya halos nasasabayan nila ang kilos ng mga ito.
—Flashback
'Black Roses Queens Vs The Shadoe Gang' wika ng MC ang Rank 3
Halos lahat ng mga manonood ay sinisigaw ag pangalan ng kalaban namin pero may naririnig pa rin ako na pangalan ng grupo namin mula sa kanila. Biglang napadako ang tingin ko sa pagpasok ng mga nakamaskara din katulad namin.
Hindi ko masyado expected na nandito sila ka-agad pero wala na akong magagawa dahil mapipilitan akong ilabas ang lahat kong lakas para manalo kami ngayon last battle.
Nagkatinginan pa kaming lima at sabay sabay pumunta sa arena. Nagsalita na ang MC upang sabihin na simula na ang laban. Anim sila laban sa lima. Mukang ako naman ang may makakalaban na dalawa.
"Queen, ipaubaya mo na sa akin ang Leader nila." seryosong saad ni Demonri na nakatingin kay Black ang Leader ng The Shadow Gang na masama rin ang tingin nito sa aking kaibigan.
"Sige." humarap harap na kami sa aming kalaban at sumugod ng sabay sabay.
Nilabas ng dalawa ang kanilang sandata na katana din kaya nilabas ko din ang aking paboritong sandata.
Nagumpisa akong sumugod sa kana ngunit sinangga ni B1 ang aking sandata at si B2 naman ay aatakihin dapat ako ngunit tumalon ako sabay nawala sa dilim.
'Kung isa silang shadow ay kailangan din nilang mawala sa dilim.' wika ko sa aking isipan. Nakita kong ngumisi sila sabay nawala din sila sa dilim. Sabe ko nga ba *smirk*.
Lumabas ako mula sa dilim na may ngisi sa labi at hinintayang kanilang pagsugod. Naramdaman kong magkaiba sila ng direksyon nanggaling at sumugod sa akin ngunit tumalon ako sa ere at nawala sa dilim. Nakita kong nakikipag talasan sila sa pakikipag ramdam. Hinagis ko ang aking dalawang shuriken at nakita kong sabay nilang sinangga iyon kaya sunod sunod ko itong hinagis sa kanila.
"Sht. Lumaban ka ng patas." sigaw ni B1 kaya naman lumabas ako sa dilim at sinaksak sya sa likudan nya. Hinugot ko ito at tinignan si B2 na nagdidilim na mukang galit na sya. Humalundusay si B1 dahilan ng pagsugod ni B2 sa akin.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Aksi"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...