TCBK Chapter 43

3.6K 64 15
                                        

Chapter 43 - Sana nga...






'Minsan kahit ilang beses pang sabihin na TAMA NA pilit pa rin sinasabe ng puso mong kaunting tiis pa.'







**


Patricia Point of View




Nakatulala lang ako sa loob ng van at hinihintay na makarating sa main company ng Dark Monarch. Balita kase na nandito ang main company nito dahil na rin sa dinami dami ng mga company nito. Kailangan din namin makita ang hideout nila para makita namin na kung nasaan si Trixie.






Habang nasa byahe kami ay wala akong maisip kundi galit lang. Galit na namuo sa aking damdamin. Tsk, hindi naman ako tanga para makipagsabwat sa kanya sya pa ang uunahin ko mamatay at bago ko sisirain ang buhay mo Zylan.






"Ito ba talaga ang gusto mo, Patricia?" hindi ko tinignan si Heaven bagkus ay tumango na lang ako.






"Delekado ang gusto mo, Patricia hindi mo ba alam yun? Papasukin mo ang main company tapos magpapahuli ka? Magpapakamatay ka ba? Paano kung patayin kayo doon?" sigaw ni Kuya Ethan ganyan na sila kahapon sa sinabe ko mula ng kinausap ako ni Rupert noong naakaraang linggo.







"Kilala ko si Rupert. Hindi nya ako papatayin maari pa nga nya akong pakinabangan dahil kay Zylan." mayabang na alintana ko na hindi ko binibigyang pansin sila.







"Ha? Dahil kay Zylan kamo? Teka hindi ko maintindihan—" Kuya Ethan na napahinto at mukhang napunto nya na ang ibig ko sabihin.







"Nakatatak sa isipan nyang mahalaga pa rin si Zylan para sayo. Maganda ang plano mo pero hindi tayo nakakasiguro sa magiging pangyayare." ani ni Kuya Rayn







"Tsk, kaya nga kailangan ako ng babaeng yan." sabat ni Chad habang inaayos ang ginagawa nya. Binigyan ko sya ng task para magawa nya ito habang nasa gitna ako ng kamatayan.







"Chad will track me whatever I am. Bibigyan nya ako ng maliit na chips para sa voice recorder. Doon ko sasabihin ang lahat ng utos mula sa inyo." lumingon ako sa kanila ng walang emosyon. "Naalala nyo ba ang sinabe ko sa inyo? Na si Kuya Rayn ang susunod sa akin or it's either si Heaven. It depends kung anong mangyayare basta may option na."







"Kapag nagkaroon ng aberya lahat kayo susugod. Lahat kayo tutulungan kami except Chad na mag track lang sa amin kung may nasunod or wala. He will hack their system para makita rin ang blueprint nila. At ang pasabog si Kuya Ethan at sa kahit sino sa inyong dalawa ang matira ang makakasama ni Kuya Ethan."







"Eh sino makakasa ni Chad kapag may sumugod sa kanyang taga DM?" tanong ni Heaven

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon