Chapter 54 - Royal Organization
'Magical things start to happen when you remove negative people from your life.' < by Lewis Howes>
**
Patricia Point of View
Lumipas ang isang linggo ng pagtapos kong manganak kay Damon. Nasa bahay na ako ng mga Crusina at pinapatulog lang si Damon. Wala sina Rianna dito dahil pinapunta sya doon sa ibang bansa kasama ang anak nya. Ang alam ko sinundo sya ng magulang nya para makauwi. Ewan. Si Zylan at ang pamilya nya lang ang nakaka alam.
Minsan minsan bumibisita ang pamilya ko dito para sa akin at sa anak ko. Minsan ay pati sina Casey ay bumibisita din para buhatin at gising si Damon. Iyon ang nangyare pagtapos kong manganak. Si Zylan naman ay nasa trabaho at gabi gabi na lang umuuwi. Ewan ko nga ba kung bakit lagi na lang nasa trabaho. Kapag nga naabutan ko iyon kailangan ko syang kausapin about doon sa nangyare.
Naging busy ako noon sa mga ilang kasapi ng black organization kabilang doon si Mr. Hashimoto at Chairman Moore. Hindi pa natutugis yung iba pang members doon.
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ng pinto. Bumungad si Zylan na mabilis nyang pinuntahan si Baby Damon at hinalikan. Binatukan ko nga pagtapos nyang gawin iyon.
"Why did you do that?" bulong nya.
"Gigising mo pa eh kakatulog lang nya." inis ko syang hinarap. Nagtanggal naman sya ng sapatos at niluwagan ang kanyang necktie.
"Sabihin mo nga sa akin iyang trabaho mo..." napatigil sya sa pag adjust ng necktie at tinignan nya ako. Tumayo ako at pumunta sa may couch nya. Umupo ako doon at nilingon ko sya na naka white long sleeve na lang.
Sinenyas ko sya na dumito sa couch nya umupo at narinig ko naman ang buntong hininga nya. Mukhang totoo nga ang nasa isip ko. Hindi sya magbubuntong hininga kung wala syang tinatago. Kilala na kita Zylan, at alam kong hindi mo kayang magsinungaling sa akin pero kaya mong magtago ng lihim.
"Ano na ang nangyare sa black organization?" pagka upo pa lang nya ay diniretso ko na agad sya. Naka upo sya sa tabi ko kaya tumagilid pa ako para umupo paharap sa kanya.
"Tyaka ano na ang nangyare sa investigation ng mga alaga mo?"
"The investigation is not clear yet pero malapit ng malaman kung sino ang gumawa noon. Ang tanong na lang bakit nila alam ang mga galaw mo?"
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
