TCBK Chapter 11

6.7K 151 47
                                        

Chapter 11 - Back off she's mine

'Wag kang malungkot kung wala na kayo ng taong mahal mo, baka kase panahon na para ma-meet mo na si Ms/Mr. Right mo' - <TagalogLoveQuotes


**


Third Person POV



Pagpasok ng dalaga sa paaralan nila bumungad agad sa kanya ang nag chismiss tungkol kay Genesis.




'Totoo? Kaya pala kalat sa buong campus na umalis talaga si Genesis. Teka saan daw nag punta?' girl 1


'Ewan ko. Ang alam ko nag ibang bansa.' - girl2



Nakonsensya bigla ang dalaga sa nangyare sa kanila noong isang linggo kay Genesis. Hindi dapat iyon ang sinabe nya pero wala syang magagawa dahil hindi naman talaga gusto nya ito. Mas mabuting malaman nya ng maaga kaysa umasa pa sya.



'Kaya pala, isang linggo na syang hindi pumapasok.' - sa isip ng dalaga




Nagbuntong hininga ang dalaga at nagpasya na pumunta sa floor nila Genesis. Mag kasing edad lang naman sila at magkasing year level pero hindi sila pareho ng section kaya malayo ang pagitan ng room nila. Nasa second floor sina Pat, sa third floor naman sila Queenie, at nasa fourth floor naman sina Genesis.



Pag akyat ni Pat sa 4th floor ay agad na tumingin sa kanya ang mga student na dumadaan pero wala syang pakealam dito.



Nagtanong sya sa isang babae kung nasaan ang room ni Genesis at agad naman tinuro ito. Sakto naman na nasa labas ang kaibigan ni Genesis kaya agad na lumapit ang dalaga sa mga ito.



"Teka, alam nyo bang kung bakit umalis si Genesis?" bungad ng dalaga sa mga kaibigan ng binata



"Ah, bakit mo naitanong?" wika ni Rupert ang pinaka matalik na kaibigan ni Genesis.



"Sagutin mo na lang ang tanong ko." banta ng dalaga sa mga ito.



"Pumunta sya sa states para makapag isip isip. Gusto nya na pagbalik dito sa pilipinas ay buo na ang desisyon nya." wika naman ni Jack isa sa kaibigan din ni Genesis



"Wala ka bang ibang sasabihin? Aalis na kami." wika naman ni Renz isa sa mga kaibigan din ni Genesis.



"Salamat." naunang tumalikod ang dalaga ngunit agad din syang napahinto



"Sa pagbalik nya dito. Gusto nya ng ipaglaban ang nararamdaman nya sa taong mahal nya." sagot naman ni Rupert ngunit ang dalaga naman ay agad din umalis at pumunta na sa kanyang room.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon