TCBK Chapter 22

5.1K 119 38
                                        

Chapter 22- Amnesia



'Yung feeling na, kailangan mong ipakitang matatag ka sa harapn nya kahit nasasaktan kana...' - <HugotNiAuthor>




***




Patricia Point of View


Crusina Hospital




"Boss, magpahinga ka na kaya? Isang linggo ka ng hindi kumakain at kahit magpahinga ay hindi mo nagagawa."




"Tama si Jasper, Kient. You need to take a rest for a while."




"Oo nga boss, at tyaka ang baho nyo na."





"Shut up. Dalhin nyo na lang ako ng gamit dito ako maliligo sa C.R ni Ayesha."





"Got it, Boss."




Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Mukang nakalabas na ang mga mokong. Gusto ko ng idilat ang mga mata ko ngunit parang ayaw ko muna ay ewan. Bigla na lang nagising ang diwa ko at nakarinig ng mga usap.





Pero gusto ko na talagang idilat. Ayain na nga. Sinimulan ko ng buksan ang aking mga mata ng dahan dahan.





Liwanag agad ang bumungad sa akin ngunit agad din unting unting lumilinaw ang buong paligid.





Napadako ako sa lalaking nakatulala lang sa kawalan at hawak ang kamay ko.





"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya at agad syang nagulat na napatingin sa akin.






Nakita kong nag aalalang expression nya at mabilis syang lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko.




"You're awake." hinalikan nya ang kamay ko pero binawe ko ito agad.





"Sino ka po ba?" bigla syang nabato sa sinabe ko. "Nasaan din ako? Sino ba ako?" tanong ko sa kanya na kinaatras nya. Mukang nakagat nya nga. Shete, lagot ako nito kapag pagtapos nito. Mygash, matinde pa naman ito kapag galit.





Nakita kong sinabunutan nya ang sarili nya at mabilis lumabas. Sinarado nya ang pintuan at iniwan akong mag-isa sa kwarto ko dito sa hospital.





"Geez, katangahan mo na naman Patricia." napabuntong ako at napag isipan na sabihin na lang pagtapos nito. Sinubukan ko lang naman kung eepektib eh.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon