TCBK Chapter 60

4.4K 55 8
                                    

Chapter 60 - Last Chapter





"Sa buhay maraming beses kang mag-mamahal, Pero may isang tao na dadating na hindi mo makakalimutan. Hindi man sya ang makakatuluyan mo. Pero sya naman yun taong mag-bibigay kahulugan sa buhay mo."



**






Patricia Point of View




Pagtapos kong padedehin si Damon ay nakatulog ito kaagad kaya nilagay ko na ito sa kanyang kuna. Tinignan ko naman si Mama na nakatingin sa akin kaya napailing na lang ako. Hanggang ngayon kase ayaw nya pa rin sa naging desisyon ko ngayon. Noong isang araw pa nangyare iyon pero ngayon na ang araw na susugod kami ngayon.






Ayaw nyang ituloy dahil nag-aalala sya at naiintindihan ko doon sya pero dahil nasa panganib kami ngayon kailangan kong ituloy para sa kanila. Hindi sila titigil hangga't hindi nakakamtam ang kanilang gusto lalo na namatay ang apo nya. Tiyak akong naghahanda na sila sa laban base sa sinabe ni Zylan sa phone.







Nakahanda na rin ang iba at nandoon na sila sa Manila dahil doon gaganapin ang lahat. Paalis na kami ni Kuya Edward maya maya at hinihintay lang namin sina Kuya Rayn at iba para sa misyon namin ngayon.







Si Zylan ay hindi pa rin bumabalik mula pa noong kahapon ng umaga.






Tinatawagan lang ni Kuya Edward ang iba pa para makasigurado kung handa na ba sila. Mabalik tayo nagbuntong hininga si Mama kaya napatingin ako sa kanya.





"Anak—"






"Kung iyon pa rin ang problema Mama— please iyon at iyon pa din ang isasagot ko." sabe ko sa kanya at inayos ang vest ko sa loob. In case na may mangyareng masama sa akin.







"Tsk! Ang tigas ng ulo mo manang mana ka sa ama mo talaga." ngumisi na lang ako kay Mama at yinakap sya.







"Ipagdadasal ko kayong lahat." ani nya na kinangito ko lang.








"Salamat." tinapik tapik ko ang likod ni Mama kaya napabitaw sya sa yakap. Hinalikan ko naman si Damon kahit tulog ito bago nagpaalam sa kanila.






"Mag-ingat ka." tumango lang ako sa kanya at hindi na lumingon pa. Baka kase magbago ang desisyon ko kapag tumingin pa ako sa kanya.








Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo kay Kuya Edward na nakatingin sa akin. Tinanguhan ko lang sya bago kami naglakad paalis. Ngayon ang pagpunta namin sa Manila para sa aming huling mission. Pero ng makita namin si Manang sa daan ay napatigil ako saglit.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon