Chapter 59 - New Allies
"Araw-araw gusto kong sabihin sa'yo na "mahal na mahal kita". Kaso araw-araw din akong nasasaktan dahil madalas, KAPILING MO SIYA..."
**
Patricia Point of View
Mabilis ko sinuntok ang pasugod na kalaban. Pagtapos sinipa ko sya kasabay naman noon ang pagsulpot pa ng isang kalaban. Sinuntok ko sya pero mukhang malakas sya dahil hindi sya natinag sa suntok ko. Sinipa ko sya pero hindi sya natinag pa din kaya naman wala akong ginawa kundi sumipa ako patungo sa kanya kahinaan.
Napadaing sya sa sakit kaya nakakuha ako ng tyempo para doon. Sinipa ko ng malakas ang mukha nya dahilan kung bakit sya bumagsak. May tatlong pumalibot sa akin na lalaki kaya napataas ang kilay ko. Malalaki ang katawan nila kaya feeling ko mahihirapan ako.
Nilabas ko ang aking Quincy mula sa lalagyan nito na kinagulat nilang tatlo. Sa isang iglap lang ay nakahandusay na sila sa sahig. Pero akala ko mauubos na ang kalaban dahil marami na ang sumusugod sa akin. Kaya naman sinabayan ko ang pagsugod nila sa akin. Bawat nadadaanan ko ay napapahandusay dahil sa tulis ng aking katana. Isang hiwa lang ay maari ka ng masaktan gaya ng nangyare sa kanila. Kung mga gangster lang sila tiyak akong lalaban pa sila pero sadyang ordinaryong mga tao lang na mahilig maglaban.
Pagtapos ay lumabas na din si Heaven. Maraming dugo ang nasa damit nya pero tiyak akong hindi galing sa kanya. Bakit kase nag puti itong babae na ito. Tsk. Pagkarating nya sa akin ay biglang binaril ang nasa likod ko at hindi na ako nagulat doon.
"Bakit ka nawala?" tanong ko sa kanya
Masama naman ang tingin sa akin na kinataas ng kilay ko. "Fvck! He's here at hindi mo sa akin sinabe?"
"Hindi ko alam baka si Zylan ang nagpapunta." sabe ko sa kanya na kinalipat ng masamang tingin kay Zylan pero busy itong makipaglaban.
"Damn!" nanlaki ang mata nya sa likod ko kaya hinigit nya ako para hindi matamaan sa putok ng baril. Nilingon ko kung sino iyon at si Lily lang pala. Akala ko patay na sya? Nabuhay ka pa pala doon.
"Ako ng bahala dito tapos samahan mo si Nazarro." sabe ko sa kanya na kinasama ng tingin nya sa akin. "Just go!" sigaw ko bago ko hinigit ang baril ko mula sa aking likod at pinaputukan si Lily. Bigla naman itong umilag at nagtago sa pader.
Nakita kong sumunod sa akin si Heaven kaya naman mabilis akong nagtungo sa pader pero gumili ako para hindi ako makita ni Lily. Tama nga ang hula ko pagkalabas ni Lily ay hinanap nya ako kaya nagkaroon ako ng chance para tamaan sya. Ngunit sinakto ko lang sa baril para malaglag ito sa lupa.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
