Chapter 2 - Meet the Girl's
'Gamitin mo ang puso mo para mahalin ang mga taong malapit sayo. Gamitin mo ang utak mo para protektahan at alagaan ang sarili mo' - <HugotNiAuthor>
**
Patricia POV
Nakatulala lang ako palagi at iniisip ang nangyare. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng nangyare ang gabing iyon. Alam ni Angela at Casey iyon dahil naikwento ko sa kanila. They both convince me dahil sa lagi akong tulala. Hindi ko kase maintindihan ang sarili ko kung bakit ako sobrang kaba pero ang mas nakakapag taka ay paulit ulit ko na lang namamalayan na paulit ulit ako pumupunta gabi gabi sa abundang building na iyon.
"Hey, Pat. Tulala ka na naman? Iniisip mo na naman si Mister Piercing Guy—" sinamaan ko sya ng tingin dahil nakakarindi na ang sinasabe ni Casey dahil paulit ulit na lang nya sinasabe iyon at sawang sawa na ako doon.
"Hehehe ito naman si Pat. Hindi naman mabiro." hindi ko na lang sya pinansin.
She is my cousin anyway. Masasabe kong mas maganda sya kaysa sa akin at mas maputi pa yun nga lang hindi sya ganoon ka sexy. Mapayat pa sya pero ang takaw takaw nya. Ano kayang laman ng ng tiyan nito at saan napunta ang kinakain nya? Mahaba rin ang kanyang buhok at purong black ito. May bangs din sya pero madalas ay tinatago nya ito.
"Mayroon ka siguro, Pat. Ang init na naman ng ulo mo eh." saad naman ni Angela. She is my best friend. Anim kaming magkakaibigan ngunit wala pa yung tatlo hindi pa sila nag l-lunch dahi iba ang schedule namin sa kanila.
Angela is sexy than me. Sya yung babaeng hindi takot ipakita ang katawan nya. Hindi naman sya bitch at hindi naman sya maria clara. She is just typically girl pero walang bahid na conservative sa katawan. Maganda din sya at maypagka layer ang buhok ngunit maikli lamang ito na kulay tyokolate.
"Wala ako ngayon. Hindi din ako badmood sadyang nag iisip ako kung paano ko kayo pahihirapan—"
"Ay beshy. Diba sabe mo gusto mo ng goya o kaya hersheys na chocolate." sabay ngiti ni Casey sa akin ngunit tinarayan ko lang siya.
"Beshy, may alam akong pwede nating puntahan na restaurant. Balita ko masarap daw doon, tara treat ko kayo?" sabat naman ni Angela. Tss, napasandal na lang ako sa upuan at ngumiwi ako sa kanila.
"Beshy your ass. Itext nyo na ang tatlo na bilisan nila. Kanina pa tayo nag iintay dito sa cafeteria."
Si Casey ang nagtext sa tatlo na papuntahin sila dito dahil bagot na bagot na kami. Si Angela naman ay todo kwento sa akin about sa pinsan nya na kagagaling lang mula sa bakasyon sa States. Matagal nya na sa amin kinuwkento ito pero hindi ko lang binibigyan pansin.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
