Chapter 51 - Back to Zero
"Ang tunay na seryoso hindi agad susuko sa isang relasyon, hahanap muna yan ng solusyon para maayos ulit ang sitwasyon." - Tagalog Love Quotes
**
Patricia Point of View
Kanina ko pa tinitignan si Zylan mula sa malayo. Nagdidilig sya ngayon ng halaman. Susunod nyang gagawin ay maglinis ng swimming pool, maglinis ng kwarto ko, maglaba at magluto. Iyon lang naman ang pinagawa ko sa kanya na kina angal ng iilan lalo na si Lola. Pinaliwanag ko naman ng maayos sa kanya kaya ko pinapagawa iyon pero umangal pa rin sya dito.
Hindi pa rin nagbago ang desisyon ko kaya manigas sya diyan. Kahit pinagtitinginan sya ng mga kasambahay maging ang hardinero ay pinagpatuloy nya lang ang trabaho nya. Nakikita ko sya mula dito sa veranda ko at tanaw na tanaw ko kung gaano sya ka landi sa ngayon.
Akalain mong nakuba pang maghubad ng damit nya nakita tuloy yung abs nya este yung katawan nya. Naka pantalon na lang tuloy sya habang nagdidilig.
Pero teka kailangan tanggalin ang damit habang nagdidilig? Talagang malandi ang isang ito ano?
Kilig na kilig naman ang mga batang kasambahay. Tsk. Pasalamat sila dahil malayo sila sa akin at malabo ang mata ko kung malinaw ang mata ko ay tiyak tanggal na sila sa trabaho. Inuuna ang pagtatalande at sight seeing sa katawan ng shrek na yun. Akala mo kinagwapo nya na hah! Gwapo naman talaga sya at hot pa pero—no talab sa akin 'yan.
Nakita kong ngumisi si Zylan sa malayong lugar. Wait— diba malabo mata ko bakit nakita ko pa yun? Tss. Halatang lumalaki mata ko pagdating doon sa lalaking yun.
Pero teka ano naman ang kinangingisi ng lalaking yun?
Nakita kong napatigil sya sa pagdidilig at agad kinuha ang phone sa bulsa nya. Napataas ang kilay ko dahil doon. Nakuha nya pa kaseng magphone sa trabaho nya? Kapal talaga ng pagmumukha.
Nakita kong nilagay nya sa tenga nya ang phone nya. Aba may tatawagan ang malanding hayop na yun!
Napatalon ako sa gulat dahil sa ring ng phone ko kaya agad kong kinuha sa mesa ito. Nakita kong si Zylan ang tumatawag dahilan kung bakit napakunot ako at tinignan sya ng masama kahit malayo ako sa kanya. Sumenyas naman sya na sagutin ko daw. Aba, demanding pa? Sarap batukan talaga.
Sinagot ko naman ang phone ko.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
