Chapter 8 - Shrek
'Swerte mo kung nahanap mo yung taong loloko-loko pero seryoso. Malas mo kung ang nahanap mo yung mukang seryoso pero manloloko' - <TLQ>
***
Patricia POV
"Our topic is all about Logarithm Equation. First logarithm is blah blah blah blah."
Itong subject ang pinaka paborito ko sa lahat insert sarcasm tone here. Tumungo na lang ako dahil sa hindi na kinaya ang utak ko ang mga numbers at variables na yan. Tss, wala akong pake kung ibagsak ako ng teacher kong panot. At isa pa yang magaling kong teacher paborito ako nyang kaya paborito ko rin syang inisin. =_=
"Ms. Garcia, why are you sleeping in my class?" napabangon ako sa sigaw nya at tinignan sya ng walang emosyon.
Naghikab ako bago sumagot. "Nagdudugo na kase ang utak ko sa kakahanap mo sa value ng X. At tyaka pasalamat ka nga tinulugan ko lang klase mo kase kung nag drop ako sa klase mo mawawalan ka ng isang masipag na kagaya ko—" nakita kong namumula na sya sa galit at nagsisitawanan naman ang mga classmate ko. Nag sasabe lang naman ako ng totoo ah?
Napakamot ako sa ulo. Wala akong kuto nagkakamot lang ako dahil hindi ko maintindihan sila. Sabe daw nila bawal mag sinungaling kaya nagsabe lang ako ng totoo. *smirk*
"Miss Garcia... get OUT!" sigaw nito kaya naman naglakad na ako paalis ng room dala dala ang bag ko. Masunurin din kase ako at tyaka mas gusto kong umalis kaysa makinig sa lecture nya. *sabay hikab*
"Class quiet kung ayaw nyong palabasin ko kayo." rinig kong sigaw ni Sir Panot. Bumalik ulit ako sa classroom namin dahil may nakalimutan akong sabihin kay Sir Panot.
"Wait." pigil ko sa kanya "Bago ako umalis... pagpasok ko ulit sa klase mo eh dapat bawasan mo yung taas ng kilay mo."
Mas lalo naman tumaas ang kilay nya sa left side. Dinaig pa ang Mount Everest.
Ngumiti ako sa kanya ng mapang asar. "Isama mo na rin yung kulubot kulubot mong panot." bago pa ako sigawan ni Sir Panot kumaripas na ako ng takbo.
Napunta ako sa garden ng campus kaya palihim akong nag over the bakod. Kaya ko naman akyatin ang wall tss small thing.
Pagbaba ko ay tumakbo ako dala dala ang bag ko. Buti na lang ay may klase ang dalawa kong kapatid dahil kung hindi ay makikita nila akong mag cucutting. Dahil wala naman akong magawa sa loob ng campus kaya ako ngayon nandito sa labas na mag cucutting.
![](https://img.wattpad.com/cover/25054260-288-k637923.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...