Chapter 25 pt 2 - Outing + Jealous
'Babalik lang ang atensyon mo sa bagay na pinagsawaan mo na ... Pagnakita mo itong na sa piling ng iba ' - TLQ <HugotNiAuthor>
**
Patricia Point of View
Nilibot ko ang buong lugar. Maganda nga ito para syang patag na lugar pero kapag tumingin ka sa ibaba ay malulula ka dahil ang nasa baba nito ay dagat na. Pasado alas sais na rin kaya siguro orange na ang kalangitan. Medyo malamig na rin ang hangin naka cross na bra kase ako at short short kaya siguro ako nilalamig. Naka upo lang kaming dalawa at hinihintay ko syang sabihin yung importanteng sasabihin nya.
Kanina kase niyaya nya akong makipag usap mabuti na rin yun dahil doon sa nangyare.
"Mahal mo na talaga sya ano?" napatingin ako sa kanya bigla pero sya ay nakatingin lang sa kawalan. Napangiti ako ng wala sa oras at tumingin din sa kawalan pagtapos tumango tango ako.
"Yeah. I really love him. Bigla ko na nga lang din nalaman eh. Sa larangan ng pag ibig kusa talaga itong dumarating ng di mo nalalaman tyaka mo na lang ito malalaman kapag dumating sa punto na masasaktan ka na."
"Parang pag-ibig ko sa iyo. Kung kailan mahal na kita tyaka naman na may mahal ka ng iba ang malala pa taong karibal ko pa. Imba si kupido magpapatama na nga lang sa may mahal pang tao. Ang tanga ko kase mas pinili ko pang umalis kaya ayan ang naging resulta nahuli na pala ako." Tumawa sya ng mapait dahilan kung bakit napa tahimik ako pero nakita kong umiiyak sya kaya pinunas ko ang mga luha na tumutlo sa pisnge nya. Pagtapos nun niyakap ko sya. Isa sya sa naging kaibigan ko kaya walang malisya para sa akin.
"I'm sorry. Balang araw maghihilom ang puso mo at makakahanap ka ng iba." hinagod hagod ko ang likod nya dahil mas hinigpit nya akong niyakap.
Wala akong maisip na sasabihin. Bihira sa isang lalaki ang umiyak bilib ako kay Genesis dahil sa harap ko pa talaga sya umiyak kadalasan kase tinatago lang ila ang sakit.
"Hindi ba pwedeng ako na lang?" napatahimik ako sa sinabe nya. "Ako na lang Patricia, please." humiwalay ako sa pagkayakap nya. Kita mo sa kanya ang lungkot. "Please?" sagot nya uli.
Naramdaman ko na lang na may naglagay sa akin ng jacket. Tinignan ko ito at nanlaki ang mata ko kung sino iyon. Wala syang reaksyon at kita mo agad ito sa muka nya.
Madilim ang aura nito kaya masasabe mong galit nga sya.
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Let's go? It's cold here." nilahad nya ang kamay nya na parang alam nyang sasama ako sa kanya. Tinignan ko si Genesis na parang may sinasabe sya sa mga mata nya na 'dito-ka-lang-please-kahit-sandali-look'.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Aksi"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
