TCBK Chapter 21

4.7K 112 42
                                    

Chapter 21 - Blood + I'm in love



'Yung feeling na... Kakausapin ka na lang nya kase wala na syang choice at ikaw na lang ang natitirang option..' - <HugotNiAuthor>






**



Patricia Point of View




Nakatulala lang ako sa langit habang humihigop ng cake froze. Nandito ako ngayon sa Mall at nagpapalamig na nag iisip na rin.



Nitong nagdaan na araw napansin kong parang umiiba na ang dating ako. Yung ako na tahimik sa isang tabi, yung ako na hindi mo mapapagsalita ng mahaba pero ngayon ibang iba na pero hindi nagbabago ang pagiging bossy at cold ko. Tsk, baka pumangit ang angas ko kapag ganun.




Pero nga dahil sa malaking pagbabago ko may malaki rin akong problema na haharapin. Malakaing suliranin at malaking question mark dahil hindi ko pa alam ang ibang sagot sa ilang katanungan ng asa isip ko.





Napadako ang tingin ko sa labas ng glass window. Malapit kase ang table ko sa entrance ng Cake Froze at katapat lang nito ang Starbucks kung saan may dalawang couple na papasok dito. Kung hindi ako nagkakamali si Zylan ang lalaking iyon at hindi ko na kilala pa ang babae.





May kasama syang ibang babae? The heck. Pero yung kumapit pa yung babae sa braso ni Zylan at nasa bewang naman ng base ang kamay ni Zylan? Double shit.






Geez, may girlfriend pala sya tapos kung makalandi sa iba—wait hindi naman sya nanlandi siguro pafall lang? Ay, hindi din pala kami lang ang nafall—sabihin na natin nahulog ako teka may sinasabe ba ako? Wala diba? Ako magkakagusto sa kanya? No way.






Nakita kong nag order na sila pagtapos ay umupo na sila isang table at nagumpisa ng mag usap.





Ano bang pinag uusapan nila? Bakit ba kailangan lumabas? Ay, oo nga pala mag jowa nga pala sila. (¬_¬) Tanga mo, Patricia. Sobra.




Mas lalo akong nangigil ng makita kong nagtatawanan sila at hinawakan nila ang mga kamay ng isa't isa.





*baaaaaag*




Dahan dahan kong tinignan ang kamay ko na may lamang basag na baso. Oo nga pala babasagin ang pinili kong lalagyanan. Siguro kaya nabasag ito dahil na rin sa gigil na gigil ako.





Nakita kong maraming napasinghap na ibang costomer dahil na rin siguro nagulat sila sa pagbasag at may dugo sa aking kamay.





Dali dali naman tumakbo sa aking direksyon ang crew na lalaki. "Ma'am gamutin na po natin ang kamay nyo—"

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon