Epilogue
"Ang RELATIONSHIP may hangganan magging forever lang to kung pareho kayong LUMALABAN."
**
Tinitignan ko sila Yuhan at Damon na naglalaro. Isang taon na ang lumipas at ang laki ng pinagbago ng lahat sa amin. Mayroon na kaming sariling bahay na kasing lako ng mansion nila Zylan noon. Mayroon ng business yung asawa ko at kabilang doon ang organization na pinamamahalaan naming dalawa.
Habang si Damon ay matulin ng gumagapang. Tinuturuan ko naman sya lumakad tyaka nakakatayo na rin naman sya so I'm happy na he is growing up already. Though, sobrang kulit nya kaya kailangan talaga ng tagapag alaga sa kanya kapag wala ako.
Yung iba naman ay malaki rin na pinagbago like sina Yash at Jasper ay mayroong business na ngayon. Isang restaurant na sikat ngayong summer dahil sa kakaibang concept nito. Ang anak naman nila ay apat na taong gulang na ngayon. Mayroon na ulit sumunod dahil nga sa gusto din nilang sundan ito. Then, sina Casey at Hance ay nagpakasal na nitong last 3 month ago at nag plaplano na rin sila sa magiging anak nila.
Si Angela at Nathan ay engage pa rin hanggang ngayon at palagay ko 5 months from now ay susunod na sila kala Casey at Hance. Sina Trixie naman ay single pa rin pero sumikat na sya ngayon dahil sa mga diamonds na ginawa nya. Sina Kuya Edward at Keisha naman ay mayroon ng sariling bahay. Si Kuya ang naghahandle ng company ni Lolo habang si Chad naman ay nasa states. Hinahabol nya si Camille ngayon dahil may kaunting problema lang sila nitong nakaraan. Si Billy at si Keiji naman ay hinahandle yung business ng pamilya nila. Samantala naman ang mga Kuya naman ay mayroon na ring mga jowa except kay Kuya Jonas na nagong chief ng police na ngayon.
Napaayos ang upo ko ng biglang umihi si Damon kaya inutos ko doon kay Tecy na linisin ang sahig at kumuha ng diaper. Hindi ko kase sya nalagyan kanina kaya umihi sa sahig.
Habang inilalagay ko yung diaper kay Damon ay tinitignan lang ako ni Yuhan kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Why baby?" tanong ko sa kanya habang tinatapos ang pag ayos ng diaper. Mahaba ang buhok ni Damon at tuwid ito. Hindi naman ganun kataba si Damon kaya lagi ko syang pinapainom ng vitamins.
Sanay naman sya sa akin pero sinasanay ko sya sa bote na dumede para incase na may puntahan ako.
Tinignan nya lang ako na parang gusto nya akong sagutin kaso hindi pa nya kaya. Pag kinakausap ko sya lagi nya lang akong tinitignan pag kinakausap ko sya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Hinayaan ko na si Damon gumapang ulit at makipag laro kay Yuhan. Ang mukha nito ay hawig sa kanyang ama pero pati ata ugali ay nasalo na rin nya. One thing na nadiskubre ko ay sinusunod nya ang mga utos ko kaya feeling ko magiging Mama's boy talaga ang anak ko.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...