Chapter 36 - Cold Blood Vs. Lady Yuki
'"If you want to forget something or someone, never hate it, or never hate him/her. Everything and everyone that you hate is engraved upon your heart; if you want to let go of something, if you want to forget, you cannot hate."– C. Joybell C.
**
Nakarating ako agad sa lumang building na tinutukoy ni Venice. Ngumisi ako dahil may nakita ako agad na isang armadong lalaki na taga bantay at dali daling pumasok sa loob para iulat ata na nandito na ako. Kinuha ko ang isang M4A1 at hinawakan iyon pagtapos kinuha ko naman bag na naglalaman ng equipments. Tamang tama marami sila siguro naman ay sakto ang dala ko para sa kanila. Lumabas ako sa aking kotse at pinindot ang button para kung sa kaling may makialam ay tatakbo ito palayo. High tech ata ang dinagdagan ni Tanda sa kotse ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila pero nagpapasalamat ako sa kanila.
Nagbuntong hininga ako umunang lumakad. Dumeretso ako sa pintuan pinagmasan ang buong paligid. Malinis ang loob ngunit nakakabighani ang katahimikan.
Napatingin ako sa harap na may tatlong lalaki na nadoon. Lumapit ako sa kanila ngunit seryoso lamang ang kanilang tingin.
"Doon sa pangalawang palapag." nauna silang naglakad kaya naman sumunod ako sa kanila.
Para silang bouncer dahil may tattoo sila sa kanilang balikat at malalaki ang kanilang mga katawan. Jusme, mahirap silang suntukin kung makakaharap ko itong tatlong ito.
Napailing lang ako at umakyat sa hagdan. Bawat hakbang ko ay bigla akong nakaramdam ng pagnginig. Damn. Ayaw ko sa lahat ng nakakaramdam ako ng ganito dahil nanghihina ako kapag nararamdaman ko ang nginig sa aking katawan.
Nakarating kami ng pangalawang palapag at nakita ko doon si Venice na daldala si Billy. Sht. Nasaan ang babae?
Nakatakip ng panyo si Billy sa kanyang bibig at bugbog sarado na ang katawan maging ang mukha din nito.
"Nasaan ang babae?" tanong ko sa kanya dahilan ng pagngisi nya.
"Iyan agad ang ibubungad mo sa akin?"
"Bakit? Kailangan ko bang sabihin na 'Kinagagalak kitang makita' kung hawak mo ang pinsan ko at ang girlfriend nya? Sinong tangang magsasabe noon?" sigaw ko sa kanya. Nawala ang ngisi nya at seryosong humarap sa akin. Hinawakan ni Venice sa buhok si Billy.
"H'wag kang mamilosopo dahil hawak ko ang buhay ng mag-ina nya!" sigaw nya din sa akin.
Matamaan ko syang tinignan. "Duwag ka kung ganyan ang plano mo para patayin ako. Duwag ka dahil gumamit ka ng mga taong malalapit sa akin. Ako ang harapin mo mano mano tayong makipag laban kung hindi ka duwag."
Natahimik sya sa sinabe ko. Mukang pinag iisipan nya ang mga sinasabe ko. Damn. Sinasabe ko na nga bang itatago nila si Keiji. Mabuti na lang at inutusan ko si Chad. Pinautos ko din kay Kuya Ethan na samahan si Chad sa gagawin nya dahil buntis iyon.
"Iyan ba ang gusto mo sige pagbibigyan kita." hinubad nya ang cardigan nya at humakbang papunta sa akin.
Seryoso ko syang tinignan upang suriin ang
katawan nya. Mayroon rin syang dalang gamit sa kaniyang tagiliran at sa kanyang kamay.
Dala dala nya ang kanyang double wushu stick at pinaikot nya iyon. "Mano mano." ani nya kaya naman nilabas ko ang Quincy ko at inikot ikot para ianyo sa sword chain.
"Bago natin simula. Magpapakilala muna ako." ngumisi ako sa kanya at ganun din sya. "Cold Blood Queen a.k.a Cold Blood. Mula sa Black Roses Queen." nanlaki ang mga mata nya sa sinabe ko ngunit agad din nawala iyon at napaltan ng pagiging seryoso.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Aksi"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...