Chapter 46 - Washington D.C
'Mahal kita. Mahal mo sya. Mahal ka rin nya. Eh lovestory nyo pala ito eh. Ano ako? Kontrabida?'
**
Trixie Point of View
Mabilis lumipas ang panahon nasa Washington na kami kung saan walang makakaalam kung nasaan kami ngayon. Naalala ko yung panahon na yun 7 months ago ng araw na yun kaya kami napabilis ng pagpunta dito. Yung araw na yon na sumugod sa amin ang mga armadong lalaki kung saan tumawag pa ako kay Zylan. Galit ang nararamdaman ni Pat sa dumaan na araw. Ramdam ko ang hinanakit nya dahil doon. Maging ako ay nakaramdam din ng galit. Pinaliwanag naman sa amin ni Kuya Nathan ang lahat na nakidnap daw ang mga bata na anak ni Jasper at Yash na inaasahan kong magkakatuluyan sila, na anak ni Billy at Keiji, anak din ni Kuya Edward at Keisha. Planado daw talaga iyon para sa amin at mukhang nagsisimula na si Moore noon. Nailigtas naman nila ang mga bata dahil tinulungan daw ni Zylan ito. Nung oras din daw kase noon ay muntik ng makuha si Rianna sa di ko alam na rason. Hindi ko na inalam ang pangyayare dahil naawa ako kay Pat. Naawa ako sa pamangkin ko kaya simula nung panahon na tinawagan ko si Zylan sobrang nagsisi ako dahil sa nangyare.
Pero nung dumaan ang mga ilang buwan ay tumahimik naman sila. Sa social media naman ay iningay nila Nathan, Keith, Jasper at higit si Zylan. Lagi nila akong chinachat kaya nag deact na muna ako. Bilang kaibigan ni Zylan tinutulungan nila ito kung anong lagay ni Pat ngayon kung maayos ba. Kahit hindi nila sabihin alam kong sinasabe nila ito kay Zylan. Kaya hindi ko sila kinakausap at laging off ako noon.
Pero nung nagdaan ng araw noon si Zylan mismo ang gusto akong kausapin pero dahil sa nangyare hindi ko sya kinakausap o chinachat. The heck? Pagtapos ang nangyare may gana pa syang kausapin ako about kay Pat. Tapos sinibukan nya din itrack kami gamit ang communication nila Chad, Kuya Ethan, Kuya Bryle at Kuya Rayn kaso magaling si Chad dyan kaya nagagawa nyang ioff kung nasaan kami.
Sa tuwing kinakausap namin si Kuya Jonas laging singit naman si Keith at Nathan. Laging sinasali sa usapan kung anong nangyare kay Pat kaya nililihis lang namin ang usapan. Si Pat naman ay laging nag iisa sa kwarto nya. Minsan lang lumabas pero may ginagawa naman sya doon pampalipas ng oras lang. Lumalaki na rin ang tiyan nya dahil na rin sa 7 months na ngayon at malapit ng mag 8 sa susunod na dalawang linggo ang dinadala nya. Malapit na syang manganak at kaunting buwan na lang ay isisilang na nya ang kanyang panganay na si Damon. Hindi sya nag patingin kung anong gender basta alam nya lang na lalaki ito. Iba siguro talaga ang instinct ng isang ina.
Napabuntong hininga na lang ako. Naawa ako sa mag ina dahil hindi alam ng tatay na may anak na pala sya.
Sa halos pitong buwan na rin iyon minsan lang kami tumawag. Si Kuya Edward lang tinatawagan namin o kaya si Kuya Jonas. Kahit na ba pinipilit nila Tita Peach na umuwi na kami hindi na lang kami nagsasalita. Minsan si Chad ang kumakausap sa kanila para mawala ang bahala nito. Kumalat din ang balita na yung nangyare sa amin dito kaya mas lalo silang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
