Chapter 25 pt 1 - Outing
'Di mo inaasahan na ang taong hindi mo pinapansin noon ay ang taong mamahalin mo pala ng sobra ngayon' - TLQ
**
Patricia Point of View
Nandito kame sa loob ng van. Special service kuno psh. Sina Hance ang driver at si Casey naman ang katabe nya. Sumunod naman si Leiji na naka headset hays kawawa naman sya miss nya na si Trixie ehh kung hindi kase isa't kalahating tanga hindi aalis yun ehh. Kaya siguro pinagsisihan nya na.
Katabe naman ni Leiji ay si Wendy, Yash at Jasper. Sa likod naman nito ay sina Nathan at Angela na nagbabangayan na naman at katabe nito ay sina Keith at Queenie. At kaming dalawa lang ang nasa likod. Baliw kase si Zy gusto nya daw kase ako masolo. Oo ako na ang mahaba ang buhok puputulin na ba?
Buti na nga lang at di ako pinagalitan ng magulang ko miske ang mga kapatid ko. At tyaka actually lumipat din sila dito sa REU.
Flashback
Pagkarating ko ng bahay sinalubong agad ako ng pamilya ko.
"Bakit wala ka sa classroom mo?"
"Sino kasama mo?"
"Bakit wala sa classroom ang mga kaibigan mo?"
"Saan ka nagpunta?"
"Nakipaglaban ka naman ano?"
"Sino nanalo?"
Bumuntong hininga ako pagbukas ko pa lang ng pinto ng bahay ay agad akong niratrat ng sermon. Pwede na talagang pang alarm clock sila.
"Uh. Actually lumipat kami ng school. Sorry ah hindi ko sa inyo sinabe agad madalian din kase pasensya na talaga ah." wika ko at tyaka umupo sa sofa. Umupo rin sila at nag cross arm. Kung minsan mapapa isip talaga ako sa kung bakit sa sinilang ako sa mundo dahil sa pamilya ko. Pero laking pasalamat ko din na sila ang pamilya ko dahil mapagmahal sila at mapag alaga.
"Anak, Alam mo bang sumugod pa dito ang kuya mo kung nandito ka ba daw ba? Sobrang nag alala sya sayo. Saan ka ba lumipat ah?" wika ni Papa. Kaya napatingin ako kay Kuya kitang kita mo sa ekspresyon nya na malamig at napapalibutan ng itim na aura.
![](https://img.wattpad.com/cover/25054260-288-k637923.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Ação"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...