Chapter 20 — The truth + Limitation
'Mahirap kasing ipilit ang mga bagay na hindi talaga pwede' - <HugotNiAuthor>
**
Patricia Point of View
(Play the music in multimedia.)
Nandito ako ngayon sa may puno kung saan ang pinagtatambayan naming mga bruha. Wala sila ngayon dahil pinabibili ko sila ng pagkain sa cafeteria.
Kahapon ng linggo ay hindi ako lumabas ng kwarto. Nag iisip lang ako buong magdamag. Sana naman sa naging desisyon ko maging tama na.
*poke*
Lumingon ako sa kung sinong epalogs ang kumulbit sa akin. Paglingon ko si Kuya Edward pala. Ano na naman ba ang ginagawa nya dito?
"What?"
"Follow me!" bigla syang naunang naglakad. Kinakabahan ako na parang ewan ngayon ah. Parang alam na ni Kuya Edward ang nangyayare.
Tumayo ako at sinundan sya. Hindi ako makapalagay ng hindi ko alam. Bawas bawasan ko siguro ang pag iinom ng kape para hindi ako nerbyusin.
*sigh*
Napunta kame sa gazebo ng paaralan. Hindi ko alam ito ah? Sa bagay hindi ko naman kase nililibot ang buong REU.
Nakita ko si Kuya nakatayo malapit sa bleacher at malaking puno. Lumapit ako sa kanya.
"Ano ba iyon?"
"Bakit ka sumali sa Gangster World? Alam mo namang patayan iyon pero tinuloy mo pa rin!"
Tahimik lang ako at hindi sumasagot sa mga tanong nya. Alam kong mangyaare na ito kaya wala na akong pake alam kung ano ang sabihin nya.
"Ano? Wala ka man lang isasagot? The hell Ayesha, ano pa ang silbi ng pagsasakripisyo ko kung sasali rin naman ikaw tapos mamaya malalaman kong sasali rin pala si Chad?!"
Hinigit nya ang braso ko upang alugin ako na para bang naiinis na sya sa ginagawa ko. "You're so stubborn, Ayesha! You didn't follow what I've said to you!" kinabig ko ng malakas nyang braso .
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Ação"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
