Chapter 50 - Kiss me
'Life has many different chapters for us.
One bad chapter doesn't mean it's the end of the book.' Wisdom Quotes
***
Patricia Point of View
Nakasimangot ako habang tinitignan sila Angela, Casey, Yash at Trixie. Wala si Lily dahil busy sya doon sa restaurant nya ngayon lalo na't nalalapit na anniversary nila. Kaya naman sila nandito ay para gusto nila ako makabonding. Parang ayaw ko nga sila makasama dahil sa ang ingay ingay nila. Hanggang ngayon ba na naman hindi pa rin nagbabago ang ugali.
Wala din dito si Zylan dahil may biglaang meeting sila. Tss, pake ko doon? Hala, doon na sya tumira.
Tapos sasabayan pa ng ingay ng mga bruhang ito ang init ng panahon pati ulo ko umiinit din dahil sa kagagahan nila. Nandito kami ngayon sa unit ko doon sa kapit bahay ko pa si Zylan na ewan ko kung buhay pa ba dyaan. Ayon nga, nagkwekwentuhan sila habang naghahanap ng papanoodin na movie. Mag momovie marathon din daw kami. Eh, bakit hindi na lang sila magchikahan dyan at natatagal lang sila sa pag-uusap kaysa sa paghahanap.
Ito pa, itong si Casey at Angela ang iingay na naman. Parang mga manok putak ng putak. Yung totoo? Nasa palengke ba kami?
Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood sila sa ginagawa nila. Sina Trixie at Yash ang naghahanap ng bala para sa movie. Si Casey at Angela katabi ko at nagsisigawan na pang timang lang. Akala mo talaga malayo sila sa isa't isa kung mag usap.
"Ganyan nyo ba talaga ako kamissed? Kailangan gawing palengke ang unit ko?" napatigil sila sa sinabe ko at hinarap nila ako agad. Nagkatinginan pa sila bago nagtawanan.
"Yeah. Namiss namin kayo ni Trixie. Kung wala ka lang mood swing ngayon, ay baka magkwentuhan na lang tayo kaso sa ganyang aura mo baka batuhin mo kami agad." ani ni Angela na kinataas ng kilay ko.
"Nakita mo na? Tumataas yung kilay mo oh. Ang kwento pa naman ni Trixie bugbog sarado sina Chad, Kuya Rayn, at Kuya Ethan sayo!" sabe naman ni Casey kaya tinignan ko si Trixie ng masama at nakita kong nakatago na sya kay Yash.
"Tss. Ganon talaga ako maglihi."
"Ahh? Ganun ka brutal? Grabe ka naman Pat." ani naman ni Yash kaya inismiran ko lang sya. "So ano ng plano? Papakasalan mo ba si Zylan?" tanong nito kaya napatahimik ako.
Napatahimik din ang iba kaya nagbuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Acción"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
