Chapter 53 - Zack Damonel Crusina
'I just want you that's it. All your flaws, mistakes, smile, giggles, joke, sarcasm. Everything. I just want you' - <by Sweet Love Quotes>
**
Patricia Point of View
Hinawakan ko ang aking baby bump habang tinitignan sila. Pinagmamatyagan kung paano sila kumilos at umarte na parang walang may sala. Kung tutuusin magaling sila magtago dahil hindi ko agad nahulaan pero di kalaunan ay nabisto ko din naman batay kilos nitong lalaki.
"Ano bang nangyare?" tanong sa akin ni Trixie kaya napalingon ako sa kanila.
"May nagtangkang patayin kami at naglagay ito ng lason sa pagkain namin."
"Paano nyo nalaman na may lason ang pagkain?" biglang tanong ni Yash na dahilan kung bakit napaisip ako. Bakit nga ba alam nila na may lason ito? Ibig bang sabihin una pa lang may alam nilang kahinahinala ito?
"Yung dalawang naka formal attire ang nagsabe sa amin. Pumunta pa sila sa table namin at sinuri yung pagkain." sagot ni Rianna na kinatango naman nila.
"Anong pangalan mo?" tanong ng babaeng naka formal attire sa babaeng alalay ng Manager nila.
"Berna po! Berna Sanchez." nakita kong sinabayan nya din sa pagtitig yung babaeng naka suit. Tss. Napailing na lang ako ng mabaling ang atensyon ko sa kanila.
Sinakal bigla ng babae yung Berna Sanchez dahilan kung bakit mabilaukan ito. Marahil sobrang higpit ang pagsakal sa kanya ng babae. "Farah! Don't kill her! Dadalhin pa natin sya sa HQ." sigaw nung Nazar sa kanya kaya napatigil naman ito.
"Bakit nyo ginawa 'yon? Bakit nyo nilagyan ng lason ang pagkain nila?" sigaw nung Farah habang kinuwelyuhan si Berna. Yung Manager naman ay nasa likod nung Berna at hindi alam kung tutulungan ba o hindi.
"Sino nag utos sa inyo? Sino ang boss nyo?" sigaw naman ni Nazar sa kanila. Hinila nila Nazar ang Manager at tinulak kaya napahandusay ito sa sahig.
"Ano bang sinasabe nyo? Wala kaming alam sa sinasabe nyo." sigaw naman nung Berna Sanchez.
"Kung iniisip nyo na kami ang may gawa noon nagkakamali kayo bakit naman namin gagawin iyon? Wala kaming kasalanan." sabe naman ng Manager. Nakawala naman yung babae kay Farah at dali daling tumakbo doon sa Manager.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Azione"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
