Chapter 57 - Theodora Algabre Fermosa
"Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan."
**
Patricia Point of View
WARNING: Sa mga kumakain pasintabi lang sa inyo!
Habang pinapaltan ko ng diaper si Damon ay tahimik lang nagmamasid si Zylan sa tabi namin. Tinuturo ko sa kanya kung paano maglinis ng dumi. Habang tinuturo ko sa kanya parang ayaw nyang gawin iyon base sa mukha nya.
"Kailan ba sila susugod? Bukas? Ngayon? Baka gusto mong lumikas na tayo?" sabe ko sa kanya habang inaayusan si Damon.
"I'm not yet sure kung kailan pero hindi dito sa bahay nyo sila susugod! Ang pinuno nila ay hindi ganoon kaliit ang utak para gawin iyon." sabay ayos nya ng upo sa upuan nito.
"Paano ka nakakasigurado? Sa spy mo? Paano kung mayroon palang Plan B?" pagtapos kong ayusan si Damon ay agad ko itong binuhat at hinele. Lumabas kami sa CR at nilagay si Damon sa kama namin.
Nakita kong sumunod din si Zylan sa amin at umupo din sa kama. "Tsk! I trust my people kaya dapat ikaw din. Kung may plan B sila then gumawa din tayo ng Plan B!" sabay ngisi nya sa akin na kina iling ko lang.
"Okay! Basta ikaw na bahala sa unahan ako na sa hulian." sabe ko sa kanya na kinatango lang nya at kinatawa. Habang nilalaro nya si Damon ay tinitignan ko lang silang mag Ama. Hindi ko alam na ang sarap sa feeling ng ganoon. Iyong makita mo yung pamilya mo na masaya.
Iyong akala mo hindi na mabubuo yung pamilya mo pero eto nakikita kong masaya silang dalawa. Napangiti na lang ako dahil na rin sa tuwa. Ganito siguro naramdaman ni Mama noong pagkaanak sa akin. Iyong tipong iniisip muna yung future nya. Iyong tipong ang iniisip mo na yung paglaki ng anak mo at masarap sa pakiramdam din na maging isang ina.
"Why?" napatingin ako kay Zylan na nakatingin din sa akin.
Umiling lang ako sa kanya. "Wala! Tsk."
"You're happy," aniya at ngumiti din sa akin.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at tinignan lang si Damon. Naramdaman ko na lang na hinila nya ang kamay ko at yinakap nya ako ng mahigpit. "I love you." bulong nya sa akin na kinatango ko lang at tinignan sya. "I love you too." mabilis ko syang kiniss sa pisnge na kinasimangot nya.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Actie"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
