Chapter 33 - Jealous
'Mahirap magalit ng walang dahilan, mahirap umintindi ng hindi mo maintindihan, mahirap masaktan ng wala kang karapatan, pero di ba mas mahirap mawalan ng minamahal dahil sa mababaw na dahilan?' <Tagalog Love Quotes>
**
Patricia POV
Tahimik akong nakaupo sa gazebo. Nandito ako sa dati naming pinagtatambay noon. Nasa trunk ako ng puno at nakasandal. Gusto ko mang mag-isip ay hindi ko magawa dahil na rin sa palaging natutulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero siguro kulang pa rin yung bakasyon ko. Hindi din naging maganda ang taon ko nito lalo noong birthday ko.
Napailing na lang ako sa aking naalala. Napatingin ako sa mga ibang estudyante na nagtatawanan at naghahabul-habulan. May naalala tuloy ako dyan. Ngumisi na lang ako at muling umiling pagtapos ay tumayo na ako. Inunat ko ang buo kong katawan dahil kanin pa ako naka upo mula ala una hanggang ngyon alas dos ng hapon. Wala kaming teacher hanggang mamayang alas tres kaya malaya kami ngayong nakakagala. Ang apat na bruha ay nasa canteen. Nakain para makapag move on. Tsk.
"Hindi nga? Naku, magkakagulo na naman."
"Oo nga eh, teka bakit daw sya pumunta dito?"
"Walang sinabe dali dali ngang pumunta dito si Zylan para ngang may hinahanap."
Hindi ko na pinakinggan ang dumaan na dalawang babae ngunit ng marinig ko ang pangalan na iyon parang lahat ng inipon kong sakit ay biglang umusbong muli. Not now, bullsht!
Umatras ako ng isang hakbang ngunit agad din akong napatigil. Bakit ako aatras? Ako ba ang may kasalanan?
Ngumisi ako at naglakad papuntang building ko. Hindi dapat ako kabahan pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ang alam ko kase matagal ng patay ang nararamdaman ko.
Nakita kong palapit sa dereksyon ko si Rupert kaya humarang ako sa dinadaanan nya.
Napakunot sya sa inasta ko. "What?"
"Bakit may nakakapasok pa rin ditong Aso? Bakit hindi nyo na lang i-drop out ang invest ng pamilyang Crusina itong University nyo?"
"Hindi maari iyon dahil masyadong malakas ang pamilya nila, Patricia." seryoso nyang sagot.
"Ganun ba, kahit pala saan magkikita at magkikita pa rin pala kami." malamig kong utas at humalikipkip pa ako.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
