Chapter 7 - Conyo Cousin
'Hindi porket chickboy ka o playboy ka, gwapo ka na. Mas gwapo pa rin yung mga lalaking marunong makuntento sa isa' - <HugotNiAuthor>
***
Third Person Point of View
Isang linggo na ang nakakaraan simula ang nangyare sa dalawa noong nasa Nuvalli sila. Naging busy din ang dalaga at ganun din ang binata. Hindi man maamin ni Pat ay narealise nyang may kaunti pa palang nanalaytay sa lahi ni Zylan ang pagiging mabuti. Pero nawala ang ngiti ng dalaga ng maisip nyang 'Bakit ko ba sya iniisip?' iniling na lamang nya ang sarili at bumalik sa dating expression.
Habang naglalakad si Patricia sa Mall kasama ang queen of shopping na si Casey ay naka simangot itong sumusunod sa kanyang pisan. Kung pwede nya lang ito kalbuhin dahil bakit sya pa ang isama eh wala naman syang taste sa fashion. Tsk, ang daming arte kapag kasama ang pinsan nya kulang na lang ay isungalngal nya ang hanger sa pinsan nito.
Habang napili si Casey ng gusto nyang bilhin na dress ay nagpaalam muna na ito na bibili lang sya ng pagkain. Sumang ayon naman si Casey kaya mabilis pa sa isang segundo na nakalayo na sya dito. Gusto nya lang mag window shopping kahit may pera naman ito gusto nyang bumili ng pagkain ngunit mas gusto nyang mag gala na lang. Ewan ko ba, bakit sa pagbili ng pagkain tinatamad pa rin ito. Pumunta sya sa boutique na puro bracelet, kwintas, hikaw na pang bata at pwede din sa pang teen ager katulad nya. May nakita syang hellow kitty na kwintas at mukang nag iisa na lamang ito. Kukunin na sana nya ngunit nakitang may kamay na kukuha din dito. Tinignan nya ito at tinignan din sya mula ulo hanggang paa ng babae na mukang teen ager pa sa kanya.
"I'm sorry but ako ang nakauna dito."
Sa paraan palamang nag pagsasalita ay halata mong anak mayaman ito.
"Okay." hindi naman talaga nya bibilhin iyon ay bagkus titignan nya lang. Aalis na sana ito ng biglang nagsalita ulit ang batang babae.
"Ganun lang yun? Hindi mo man lang ipaglalaban?"
Napakunot ang ng dalaga sa sinabe ng batang babae. Para sa kanya ay bata pa rin ito dahil sa inosenteng muka nito at mukang teen ager ito kahit matangkad.
"Why would I? Kung ikaw naman din ang nauna gaya ng sabe mo." palihim na ngumiti ang dalaga sa sarili dahil nasagot nya ng makahulugan gaya ng tanong nitong makahulugan din.
Ngumiti ang batang babae sa kanya.
"I'm Camille Cynder Hwang. Nice to meet you." sabay nag abot ito ng kamay ngunit tinignan lang ito ng dalaga. Hindi sa maarte ito ay ayaw nya lang talaga baka masira ang poise nitong maangas.
Binawi naman agad ng bata ang kanyang kamay medyo napahiya sya doon ah pero hindi pa rin nawala ang pagkamangha nito sa dalaga.
"I like you.. I mean I like your attitude."
"Okay? I'll go, I have something important to do." nakapamulsang naglalakad ito palabas ng boutique ngunit ay may nakabangga ang dalaga dahilan ng pagtumba ng nabangga nya.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Ação"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...