Chapter 28 - One week
'Matutong bumitaw kung ikaw ay nasasaktan na. Hindi yung masakit na nga, nakakapit ka pa.' - TLQ <HugotNiAuthor>
(A/N: please play the music in multimedia para mas lalong damang dama okay? Mas magandang sinasabayan ang napakagandang kanta please ...kase kung hindi eh hindi nyo dama ang story)
**
Maaga akong nagising at ginawa ang daily routine ko araw araw pagtapos sinilip ko yung cellphone ko baka may mahalagang mensahe.... galing smart. Oo galing smart. Alam ko iniisip nyo huh, na baka galing sa kanya pwes mali kayo. Hindi sya ang hinihintay ko kundi ang smart.
Iniscroll ko ang cellphone ko baka mayroong smart na message. Pero bakit wala? Tuwing umaga naman sya nag tetext eh. Bakit wala ngayon? Tss. Bahala yang smart na yan ipapasara ko yang punyetang yan. Oh? Iniisip nyo na naman kung sino talaga? Sabi ko smart yung iniintay ko. Tss bahala kayo mag isip.
Napagdesisyon kong bumababa na muna dahil lunes ngayon eh medyo masama na slight na maganda ang mood ko. Pumunta ako ng dinning area para mag almusal na.
"Good morning. Mukang kulang tayo ng isa ah. Nasan si bugok?" tinutukoy ko si Chad. Sya lang naman ang bugok sino pa ba?
"Baliw ka ba anak? Nasa tabe mo lang oh." sabay subo ni papa sa kinakain nyang pandesal.
"Baliw? Sino kayo po? At tyaka anong katabe ko—ay kinginang kabayo." paglingon ko kase nakita ko si Chad na nakatingin sa akin. Bakit kase sya biglang sumusulpot at tyaka anong nangyare sa buhok nya?
"Chad, angyare sa bao mong buhok dati? Lolo ka na ba? Ang bilis mong tumanda ah." kumuwa ako ng sandwich at kumain.
"Unang una panget eh hindi bao ang buhok ko noon may bangs lang ako at ginagaya ko si Taeyong ng NCT U dahil maraming nagsasabe sa akin na kamuka ko sya. Pangalawa, hindi ako lolo tanga, puti lang talaga ang pinakulay ko sa buhok ko." aambanggin ko sana sya pero agad nyang sinanangga ang muka nya. Psh hinampas ko si Chad ng tatlong beses sa braso nya. Aba tinanga nya ako gago isa't kalahati eh.
"Ayusin mo ang bunganga mo. Nagmature ka lang ng konti eh wala ka ng galang."
"Tama na yan. Kumain na lang kayo nasa harap kayo ng pagkain eh nagdadaldalan kayong dalawa dyan." wika ni Mama tapos napatingin sya kay Kuya Edward na palihim na nag tetext eh kita naman kahit pa na nakatapat sya at nakaupo eh makikita pa rin sya. Parang owl ang mga mata namin at ang leeg namin ay kasing haba ng giraffe. "At ikaw naman Edward Louigi, ano bang problema mo at naka kunot ang noo mo tyaka sino nagsabe sayo na mag cellphone ka sa harap ng hapag kainan?"
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...