TCBK Chapter 55

3.4K 48 7
                                        

Chapter 55 - 34th Floor





'Don't you be nice to me, I fall in love easily.' <by Waylon Jennings>


**



Patricia Point of View



Napamulat ako bigla dahil naalala ko ang anak kong si Damon kaya napabangon ako. Nilibot ko ang buong kwarto at agad nalaman kung nasaan ako. Nasa kwarto ako ng mansion nila Tanda kaya naman nakaluwag ako sa kaba. Nilibot ko naman ang paningin ko kung nasaan si Damon pero walang tao bukod sa akin. Tumayo ako upang mag hilamos at mag tooth brush. Pagtapos ay lumabas ako ng kwarto at bumaba mula sa hagdan.








Pagtapos dumeretso ako papunta sa sala para tignan kung nasaan sila. Naalala ko kagabe ay nakatulog ako sa sobrang pagod sa van kaya siguro hinatid na nila ako sa aking kwarto.









"Ayy! Gising na po pala kayo, Miss. Nasa hardin po ang baby nyo kasama sina Ma'am Dulce at Sir Athan. Nandoon din po ang iba nyo pang kaibigan at sina Miss Casey at Miss Trixie." tumango ako sa nakasalubong kong maid sa kanya bago lumiko para pumunta ng hardin. Pagkalabas ko sa mansion at lumakad pa ako papunta sa tambayan ng hardin namin.








Nakita ko naman agad sila na karga karga ni Mama si Damon at nandoon sila sa araw. Tantya kong nasa alas siete pa lang ng umaga kaya nila pinapaaraw ang anak ko. Nandoon din si Casey, Camille, Trixie at Hance. Nandoon din si Tito at Tita Crusina habang nag uusap sila ni Papa.








Napalingon naman sila sa akin kaya naagaw din ang atensyon ng iba sa pag dating ko. Nang makalapit ako sa kanila ay agad nila akong hinalikan sa pisnge. Si Hance naman ay tumango na lang sa akin. Sina Tita at Tito naman ay nakipag beso din sa akin bago kami umupo sa upuan na gawa sa kahoy. Makalumang upuan noon ata ang ganitong style.





"Kamusta nga pala? Wala na akong maalala sa nangyare kagabe?" ani ko sa kanila. Tinignan ko sila ng seryoso habang sila ay nagkakape lang.








"Wala naman pwera lang kay Zylan na sugatan." ani ni Casey na kina ayos ng upo ko. Nagulat ako sa sinabe nya kaya hindi kaagad ako nakapag react.






Naalala ko nga pala na nabaril sa braso ito. Tsk. Nasan nga pala ang isang iyon?







"Tsk. Oo nga pala teka nasaan ba iyon?"









Nagkatinginan sila na parang hindi alam kung sino ang magsasalita. Tinutulak ni Trixie si Casey na sya ang mag sabe nito. Si Casey naman ay sinisiko si Camille na sya ang magsalita pero umiling ito kaya napangunot ang noo ko dahil sa kanila. Napatingin naman ako kala Tita at Tito na nakikipag usap kala Papa at Mama. Medyo malayo lang ng kaunti sila kaya hindi ko alam kung naririnig ba nila kami.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon