TCBK Chapter 32

3.9K 81 22
                                        

Chapter 32 - The Cold Monster is Back







'Akala mo mahal ka nya... Yun pala, pinapasaya ka lang nya kase alam nyang mahal mo sya.' - TLQ <HugotNiAthor>





**




Third Person POV


Dumaan ang araw ng recognition na hindi dumalo sila Pat at ang iba pang kaibigan nito. Madali rin nilang inasikaso ang paglipat o sa pagbalik nila sa Royal Einstein. Ngayon ay buwan na ng bakasyon kung saan hindi lumalabas ang mga dalaga sa kanilang mga bahay. Gusto nila na pagbalik ay nagbago na sila o nagbalik na yung dating sila.






Si Pat ay taimtim nagpapatugtog ng kanyang piesa sa piano. Mahilig syang mag piano kapag masama ang kanyang mood. Nasa mansion din sya ng mga Porter dahil nga sa nangyare sa kanya. Nasa kuta ngayon sya ng kanyang mga Lolo at Lola kung saan kailangan nya ring magsanay ayon sa Butler Kang nila.






"Young Lady, oras na po na inyong ensayo." sabay yumuko ito upang magbigay galang sa dalaga. Tumayo rin ng maayos si Butler Kang upang harapin ang dalaga na napahinto sa pagtitipa ng kanyang piesa sa piano.






"I can do that later just get out and leave me alone here." malamig nitong tugon na sinunod naman ni Butler Kang.






"Masusunod, Young Lady." dahan dahan itong sumunod at umalis sa Music Room. Naiwan naman si Pat na nag iisa at tulala sa kanyang piano.



Hindi na sya ang dating Pat na masaya, hindi na sya yung dating kaya mo pang barahin at hindi na sya yung dati na kaya mo pang sabayan sa mga kalokohan.







Nanggigil sya sa galit na hindi nya maintindihan kung bakit basta ang alam nya lang ay sobrang masama ang sinapit nya.






Pero isa lang ang gusto nya ang patayin silang lahat.






"Humanda kayo sa pagbalik ko. Matitikman nyo ang init ng impyerno." sabay lagabagbag nya sa kanyang piesa upang madagdagan pa lalo na kating kati na syang pumatay.







**






Chad POV







Nakatingin lang ako sa kalangitan at taimtim nanonood ng pagkislap ng mga bituin. Nandito ako sa veranda ng mansion nila Lolo. Hindi nakaligtas ang pangyayareng natamo ng kapatid ko kala Lola. Naalala ko pa ang pangyayareng noon na nahimatay sina Lola dahil sa pagkabigla na narinig nilang balita na kahit ako din ay nabigla rin sa aking nakita noon.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon