Chapter 45 - She needs you now.
'Technically, I'm single but my heart is taken by someone I can't have.'
**
Angela Point of View
Hindi ako makapag focus sa ginagawa ko kanina kaya nandito ako ngayon sa pamilya ni Pat. Simula ng pag alis nya at ng makausap namin sya na mukhang nasa eroplano na alam kong bawal ata ang gadget doon pero kung sabagay sa kanila naman yung private plane na yon. Hindi na kase namin sya nakausap isang linggo na at ilang araw na wala kaming balita. Nag-aalala na si Tita Peach kung ano ng nangyayare sa kanila pero ang sabe ni Kuya Edward okay naman daw.
Nagbuntong hininga na lang ako dahil hindi ako mapalagay sa nangyayare ngayon lalo na't nagpasabog ang taga Dark Monarch. Ito pa ang sinabe buhay daw si Trixie at kinuha nila doon kaya siguro sila natagalan pero gusto kase namin makausap sila. Namimiss ko na sila nakakainis lang dahil sobra nilang busy.
Saktong pauwi na rin mamaya si Kuya Jonas dito mismo sa mansion para daw may magbabantay sa amin. Nandito rin naman si Nathan yung iba naman ay parating pa lang dahil sa sinabe ni Kuya Edward na kailangan naming magpulong ngayon.
"Pssst." tusok ko sa braso ni Nathan. "Wala ka ba talagang alam sa plano ng pinsan ko?" napairap naman sya ere. Kung hindi ko talaga mahal itong lalaking ito talagang maniniwala akong bakla sya.
"Pang ilang beses mo na yang tanong? Wala nga akong alam. Kung may alam ako sinabe ko na sayo."
Ngumuso ako. "Best friend mo nga di mo masabihin ng totoo ako pa kaya?"
"Tss. Ang alam ko lang talaga kung bakit nya laging kasama si Rianna." nagdekwatro sya at tumingin sa aking ng seryoso.
"Bakit nga ba?"
"Hindi pwede. Confidential sana maintindihan mo kung bakit ayaw ipaala ng pinsan mo sa lahat kung hindi ko nga lang narinig hindi nya sasabihin." napanguso na lang ulit ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa din masagutan ang nawawalang mga missing clues.
Bakit nga ba tinulungan ni Zylan si Rianna? Bakit nga ba mas pinili ni Zylan iyong babaeng iyon kaysa kay Pat? Bakit hinayaan nya lang mawala si Pat sa kanya? Paano na lang ang sinabe nya sa akin noon na papakasalan nya si Pat?
Okay. Joke lang yung huling part pinaasa ko lang kayo. Charot iba lang yung sinabe nya ang sabe nya pa nga eh 'I really don't like other men touching my girl. Should I kill you or shoot you? Which one do you like?'. Nakakamiss yung mga panahon na yon dahil seryosong seryoso talaga sya. Kaya nakakapag taka lang na biglang nagbago ang pakikitungo nya sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
