Chapter 52 - Do you know why I fall in love with you?
'Ang sarap mag mahal ng taong kahit hindi mo kaharap, ikaw pa din ang hinahanap- hanap.' Tagalog Love Quotes
**
Patricia Point of View
Hinimas himas ko yung baby bump ko na umbok na dahil kabuwanan ko na ngayon. Ilang linggo din ang nagdaan at ganun pa rin ang pakikitungo ko kay Zylan. Aba, paghirapan nya kami ng anak nya. Kulang pa ang ginagawa nya ngayon sa nangyare sa amin ng anak nya. Nadepressed ako at muntik na akong magpakamatay noon mabuti na lang dahil bigla akong tinulungan ni Chad.
Tumingin ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko. Nakadress ako na yellow at pinartner ng doll shoes. Hindi naman kasw akong mag sneaker baka matipalok lang ako at lumabas ng tuluyan si Baby. Tyaka bagay pa rin naman sa akin ang ganitong outfit. Ewan ko lang kung maghanap pa ang mokong ng iba.
"Maganda ka na bakit mo pa kailangan sobrang magpaganda?" tinignan ko ng masama si Zylan sa reflection ng salamin. Basag trip talaga ito kahit kailan. Kaya lagi akong nababadtrip sa kanya ang hilig pakealaman ang mga bagay na hindi dapat.
"Baka kase maghanap ka pa ng higit pa sa maganda." though kahit hindi ako kumbinsido na maganda ako kailangan ko pa rin mag ayos dahil madaming mga babaeng nasa tabi at naghihintay lang landiin ang taong mahal mo.
Nakita ko naman sa salamin kung paano sya mapangisi at umiling. Napansin kong hindi nya pa inaalis ang earrings nya na mas lalong nagpapadagdag ng kagwapuhan nya.
"Do you know why I fall in love with you?" sumandal sya sa gilid ng pintuan at sinukbit nya ang kanyang kamay sa bulsa nito. Nakasuot sya ngayon ng suit dahil nga bumalik na ito sa trabaho. Kailangan para daw malinis ang mga company nila. Tiyak akong may nangyareng masama kaya hindi nya maiwanan ito.
"Bakit? Dahil kakaiba ako? Dahil challenging?" umikot ako at hinarap ko sya. Mabuti na lang naikit itong upuan ko.
Lumapit sya sa akin ng dahan dahan at habang ginagawa nya yun ay napalunok ako dahil sa paglapit nya sa akin. Iba din ang charms nya pati si baby naghaharlem shake din. Jusko, nakikisabay pa sa pagtibok ng puso ko.
Umupo sya sa harap ko at dahil matangkad sya sumakto lang ang level namin kahit nasa upuan ako.
"For me you are the most beautiful in the world inside and out." kinuha nya ang kamay ko at hinalikan nya iyon. Tinitignan ko lang sya habang ginagawa nya iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko kung babatukan ko ba sya o yayakapin ng mahigpit. "—And I'm so proud of it."
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Acción"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
