Chapter 23 - Holding Hands
'Kapag Babae ang nasaktan lahat ng lalaki pagbibintangan, Kapag Lalaki ang nasaktan lahat ng babae paglalaruan' - TLQ
**
Patricia Point of View
Nandito pa rin ako sa Hospital. Wala akong magawa kundi tumingin sa kisame, matulog at magpahinga. Ilang days ba ako dito? Nakakabagot na ahh -.-
Pati nakakainis ang mga nurse kaya lang sila napunta sa kwarto ko dahil kasama ko minsan ang mga mokong. Sino ang mga mokong? Sina Nathan. Sino ang mga bruha? Ang galing naman nyo maghula, syempre sila Angela.
Bigla akong napatingin sa pumasok mula sa pintuan at niluwa doon sina Chad at Kuya Edward. Pero mas nagulat ako dahil kasama rin nina Kuya sina Kuya Rayn, Kuya Jonas, Kuya Bryle at Kuya Ethan.
"May reunion ba ngayon? Kaya kayo nandito lahat?" tanong ko sa kanila ngunit isa isa silang lumapit at umupo sa kamay ko. Yung iba sa gilid ko naman.
"Walang reunion, Aye. Dahil parang kapatid ka na namin syempre kailangan namin dumalaw din." paliwanag ni Kuya Jonas na nakatayo.
"Tss, mabuti at buhay ka pa. Akalain mo nga naman matagal mamatay ang masamang damo." tinarayan ko na lang si Kuya Bryle. Tss, bakit ba sya sumama? Eh, mukang aasarin ako nito eh.
"H'wag kang ganyan, Bryle. Dapat noong una pa lang sinuway mo na sya sa pagsali sa Underground pero hindi eh kinunsinti mo pa." cold na pagkasabe ni Ninong Rayn dahilan ng pagyuko ko.
"Alam ko naman na ganito ang kalalabasan, bro. Gusto ko lang din naman sa kanya ipakita para itatak sa isip nya na hindi biro ang pagsali sa Underground Battle Arena. Pero dahil maliit ang mundo at hindi ko naisip na pwede pa lang mangyare iyon na."
Mas lalo akong napayuko dahil sa mga sinabe nila. Alam ni Kuya Bryle ang ginagawa ko dahil sya lang naman ang sinabihan ko noon bago ako sumali sa Gangster World.
"Stop that. Nangyare na ang nangyare at wala na tayong magagawa doon. Ang problema na lang hintayin natin ang magiging gulo nito." sabay buntong hininga ni Kuya Ethan.
"Masyadong nakakagulat ang lahat ng pangyayare. Parang noon lang masaya tayong lahat pero sa isang iglap na lang unti unti tayong nilulusob patalikod ng mga kalaban." napatingin ako agad kay Kuya Edward na nagsisigarilyo.
"Tss, alam naman natin ang buong angkan natin ay sa simula pa lang kasali na sa madugong laban. Kaya kahit anong tanggi nyo sa simula pa lang din madadamay at madadamay lang kami." rinig kong sagot ni Chad. Si Chad ay ang pinaka bihasa sa mga bagay bagay. Sya ang naging kanang kamay ko dahil sa kanya ko nakuha ang aking Quincy at sya rin ang nag turo sa akin sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
The Cold Badass King
Action"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours." - Zylan Kient Crusina Highest Ranking #103 in Action (January 2018) Highest Ranking #70 in Action (F...
