TCBK Chapter 25 pt 3

4.1K 97 26
                                    

Chapter 25 pt 3 - Outing + Jealous + Kiss





'May mga taong ayaw kang mawala, pero hindi naman alam kung paano ka alagaan ng tama.  - TLQ <HugotNiAuthor>





**




Patricia Point of View




Damang dama ko ang sariwang hangin na tumatama sa aking muka nandito ako ngayon sa pinuntahan namin ni Genesis ngunit nandito ako sa ibaba ng talampas mas madami kasing puno dito at yung hampas ng tubig mararamdaman mo talaga hindi tulad sa taas eh malulula ka. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang pangyayare kanina. Akala ko susundan nya ako pero akala ko lang pala bakit ko nga ba ineexpect na pupuntahan nya ako eh mas mahalaga ang anak ng bussiness partner ng daddy nila.





*sigh*





"Mukang may problema ka ah?" napatingin ako sa biglang pagtabe sa akin ni Genesis.





"Psh."






"At mukang galing ka sa iyak?" doon ako napatahimik sa sinabe nya. Halata siguro sa muka ko na umiyak ako. Tsk. Palagay ko ay nagkasabog sabog ang buhok ko at sobrang bigat ng mata ko kaya alam nya na may problema ako.






"Dahil ba sa kanya?" wika nya ulit na kinayukom ng kamao ko. Naisip ko na naman ang nangyare. Nakakalungkot lang dahil hindi nya ako pinagkatiwalaan.






Tinignan ko sya at agad nagtama ang mga mata namin. Napadako naman agad ang tingin ko sa balikat nya.






"Gawa ba nya iyan sayo?" tanong ko pero ngumiti lang sya sa akin at ginulo ang buhok ko.






"Tsk. Mababaw lang iyan." biglang nawala ang ngiti nya pero nakatingin pa rin sya sa akin. "Pinagbantaan nya ako na lumayo ako sayo pero bakit kanina may kasama syang ibang babae? Alam kong iniisip mo na sinisiraan kita sa kanya pero nagsasabe ako ng—"






"Tsk. H'wag kang mag alala nandoon din ako ng makita ko sila." sabay tagis bagang ko dahil sa inis at galit ko. Pero hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Genesis ng mahigpit.






"Nandito lang ako sa tabi mo. Hush! Ilabas mo lang yan. Pero wag mo akong sisingahan kadiri yang sipon mo."






Napatawa ako sa sinabe nya. "Salamat! Salamat dahil nandito ka para damayan ako." niyakap ko sya ng mahigpit dahilan kung bakit napatawa sya ng mahina.






"Ayaw ko kase nasasaktan ang mahal ko mas doble kase ang nararamdaman kong sakit kapag umiiyak ka." hindi ko alam kung bakit ako bigla napahagulgol siguro dahil sa sinabe nya... bakit nga ba hindi na lang ikaw, Genesis? Bakit hindi na lang ikaw ang minahal ko?

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon