TCBK Chapter 26

4.7K 100 38
                                    

Chapter 26 - One Cuss, One Kiss





'Akala mo mahal ka nya.... Yun pala, pinapasaya ka lang nya kase alam nyang mahal mo sya.' - TLQ <HugotNiAuthor>






**





Bandang alas cinco na tumambay kami dito sa dalamapasigan. Tumambay lang muna kami dito dahil sa inaabangan namin ang pag lubog ng araw. Hindi ko alam kung anong sumapi dito kay Zy kung bakit kami naririto ang sabe nya lang ay sulitin na daw ang huling araw dahil bukas ng hapon ay uuwi na kami sa sarili naming mga tirahan.






Tumingin ako sa kawalan. Bumababa na ang araw pero may liwanag pa rin. Hays, maghapon na lang ba kami magdadatayan? Umangat ang tingin kay Zy nakadantay ang ulo ko sa balikat nya at ang kanyang kamay ay nakawak sa waist ko. Nakapikit sya at tila nag iisip o nagpahinga. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sya mabasa.






"Stop staring at me, wife."





Hindi ko alam na nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya. Tss, bakit kase binayayaan ako ng perfect package?





"Dream on, Zy at tyaka wife? Oy di pa tayo mag asawa kaya tigilan mo ako kaka-wife mo dyan." tumayo na ako at nagpagpag. Nakita ko syang umiling iling sabay tingin sa akin. "Tss. I want to call you, Wife, because your mine now and I'm yours." napangiti na lang ako ng palihim. Hindi ko alam na may banat itong mokong na to. Ano kaya ang kinain nya? Dapat pala lagi nyang kainin yun. Tama ipaparequest ko nga sa kanya minsan yun.






"Tara, lusom tayo sa dagat?" alok ko sa kanya kaya naman napaangat ang tingin nya. "Ikaw na lang. Papanoorin na lang kita."






Napa-tsk na lang ako. Nagmarcha ako habang papunta sa dagat. Bwisit akala ko pa naman na susundan nya ako hanep talaga. Sana tamaan sya ng kidlat dyan.






Lumusom ako sa tubig gusto ko kase bilanging kung ilang segundo ang itatagal ko. Bigla akong napa isip na ano nga ba ang kailangan ni Zy kay Honey? Tss. Bakit ko ba pinoproblema ko yun? Umiling iling ako sa naisip ko. Umahon agad ako at hinabol ang hininga ko siguro mga tatlumpong segundo hindi ako sigurado dahil sa kakakaisip ko.






Biglang may humablot sa Chin ko dahilan ng pagmulat ko. Naramdaman ko na lang ang malambot na labi nya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya pero sya ay nakapikit lang. Hinila nya ako papunta sa kanya at kinawit ang kanyang isang kamay sa aking bewang. Bigla syang lumayo sa akin at hinalikan ang aking noo. Hindi pa rin ako makapag salita dahil sa gulat masyado akong nabigla sa pangyayareng yun.






"A-Akala ko ba na d-doon ka lang? B-Bakit ka nandito at worst hinalikan mo pa ako." bwisit bakit ba kase magkalapit pa rin kami sa isa't isa? Naiilang ako masyado lalo na't nakahawak ako sa dibdib nya-damn it.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon