TCBK Chapter 40

3.7K 69 8
                                        

Chapter 40 - New Enemies





'When two people are mean for each other, no time is too long, no distance is too far and nobody can keep them apart.'





**





Patricia Point of View




Tama pa ba ang ginagawa ko? Bakit ganun? Ang sakit na ng puso ko at ang hirap ng huminga.





Makita mo lang ang taong mahal mo na may kahalikang iba para ka ng pinapatay na ng puso mo. Dapat pa ba akong mabuhay? Bakit puro sakit na lang ang nadadaranas ko?






Pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa aking pisnge. Tinignan ko ang kalangitan na halos walang makitang star dahil siguro sa mga ulap na natatakpan.






"Pat— pinagsisihan mo bang nakilala mo sya?"






Dahan dahan akong tumingin kay Angela at seryoso syang tinignan. Tahahimik ako sa kanyang tanong na parang ang laki ng sapol sa akin iyon. Binalik ko ang tingin sa mga building na nagliliwanag mula dito sa patag.






"Hindi. Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sya at ng minahal sya. Dahil para sa akin isa syang espesyal na binigay sa akin ni God."






Nagbuntong hininga ulit ako at sinipa ang mga maliliit na bato na malapit sa akin. Nakaupo kami sa nguso ng kotse para magpahangin dito sa patag.



Narinig kong tunawa sya kaya napatingin ako sa kanya. "Mukang mapapaurong ang kasal nila Casey ah." ani nya na nakatingin sa kanyang cellphone.






"Huh?"






Tinago nya ang cellphone nya at nilagay sa bulsa. "Wala." ngumisi lang sya sa akin. "Parating na si Casey dito. Dapat magkaroon man lang tayo ng bonding yung walang iniisip na problema at walang iniisip na 'boys'."







Biglang yumakap sa akin si Angela na kinagulat ko naman. Hindi naman ganito itong babaeng 'to pero I enjoyed this. Minsan lang kami maging ganito kaya natutuwa ako at naibsan ng kaunti ang problema ko. Tama sya, kalimutan ko muna sandali sya. Kahit ngayong gabe lang sana makalimot ko muna ang sakit sa lahat.







"Aba, nagsosolo ang mga bruha?" napalingon kami sa nagsalita. Si Casey pala kasama si Yash na nakangiti na rin. Tumakbo sila papunta sa amin at hinili nila kaming dalawa ni Angela.





Si Casey naman ay mabilis kinuha ang kumot sa loob ng kotse namin. Kaya naman tinignan ko si Yash na nakakapagtaka.

The Cold Badass KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon