John Alvarez on our multimedia! 😂 Hi Madame_Ceee ! Dedicated sayo ang chapter na 'to! Enjoy!
JOHN's POV
"Daddy?"
Kanina, nandito lang si Daddy tapos nawala na lang siya bigla.
Naglakad pa ko ng naglakad hanggang sa nakalabas na ako ng pinaggaganapan ng party pero di ko makita ang daddy ko.
Umupo na lang ako sa ilalim ng malaking puno at umiyak dahil di ko makita si Daddy.
"Huy bata!"
Pag-angat ko ng ulo ko, batang nakangiti ang nakita ko. Nakaputi pa siyang bestida.
"AHHHHH!!!! MULTOOOOOO --"
Tinakpan niya ang bibig ko.
"Ako? Multo? Mukha ba kong multo?" tanong ng batang babae.
Napatango na lang ako dahil natatakot pa rin ako sa kanya.
"Ewan ko sayo. Umusog ka nga. Uupo ako." sabi niya at tinapik niya ang balikat ko para umusog ako.
Umusog naman ako para makaupo siya sa tabi ko.
"Eh bakit ka ba umiiyak?" tanong niya.
"Kasi di ko makita ang Daddy ko."
"Sino ba Daddy mo?"
"Si Eddie Alvarez."
"Yung may bigote na mama?" tanong niya habang pinapakita niya pa ang pagkakaform ng bigote.
"Oo. Bakit mo kilala ang Daddy ko?""Naandun kasi siya sa table nila Papa."
Tumingin sa akin yung bata at ngumiti.
"Ako nga pala si Vicky. Ikaw, anong pangalan mo?" nilahad niya yung kamay niya.
Hinawakan ko yung kamay niya.
"Ako si John."
"Ano ba yang pangalan mo?! Pinagisipan mabuti!" tumawa siya.
Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Joke lang! Ito naman! Galit agad. Ilang taon ka na ba at ang iyakin mo pa rin?"
"I'm 7 years old."
"Kita mo na?! Ang tanda tanda mo na, umiiyak ka pa! Dapat di ka na iiyak 'no!" tumawa ulit siya.
"Eh bakit ikaw, para kang mangkukulam tumawa?"
Tumawa ako.
"Eh bakit ikaw, bungi ka?" mas nilakasan niya pa ang tawa niya.
"Natural lang naman yun ah! Sabi kasi ng mommy ko kapag nabubungi okay lang kasi may bagong tutubo na ngipin!"
"Ganun ba yun? Bakit ako, hindi bungi? Siguro hindi ka nagtu-toothbrush 'no?"
"Nagtu-toothbrush ako 'no!"
"Kung nagtu-toothbrush ka nga talaga, ikuha mo ko ng flower."
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong bulaklak pero malayo sa amin. Lumapit ako sa bulaklak para pitasin yun. Pero pagbalik ko, wala na sa ilalim ng puno si Vicky. Pero may nakita akong kumikislap. Pinulot ko ito. At nakita kong ipit niya pala.
"Anak? John?"
"Daddy!"
Yumakap ako kay daddy.
"Kanina pa kita hinahanap. Let's go?"
Nilagay ko na sa bulsa ko ang ipit ni Vicky. Sana magkita ulit kami.
--
Nauna kong nakilala si Vicky. Dapat sa akin siya mapunta. Matagal ko na siyang hinahanap. Ayaw kong mabale wala ang paghahanap ko sa kanya. Ngayong nakita ko na sya, doon pa ba ako susuko?I'm now holding Vicky's hair pin on my left hand and a glass of beer on my right hand. I treasure this pin so much. Everytime na maiisip kong sumuko sa paghahanap sa kanya, tinitignan ko 'to. Pagkatapos, gugustuhin ko na siyang makita ulit.
I was very happy when I met her again in the plane. I didn't expect that moment.
--
Nakaupo na ako sa assigned seat ko sa airplane nang may tumabi sa aking babae. She looks familiar. She's very beautiful.Naaalala ko na! Siya si Vicky!
"Ms. Victoria Marcial right?" bati ko sa kanya.
Nakita kong kumunot ang noo niya. Siguro di niya na ako natatandaan. Pero siya, tandang tanda ko pa. Mas lalo siyang gumanda.
Ngumiti siya sa akin.
"Yes. Hi. You are?" sabi niya.
Tama nga ako. She doesn't remember me anymore.
"I'm Mr. John Alvarez, son of Mr. Eddie Alvarez one of your father's colleagues." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Parang bigla siyang sumaya.
"Oh yeah, that's why you look so familiar to me. By the way, saan ka galing? I mean anong ginawa mo sa Chicago?" tanong niya.
"I have an important business meeting to attend. One of our shareholders na sa Chicago nakatira. Although pwede naman siyang pumunta sa Pilipinas but he had a lot of events na kailangan niyang puntahan this week. How about you? What are you doing in Chicago?" I asked.
She frowned.
"Well, I spend my 10 years here for my college and masteral degree. Madalang na nga ako umuwi ng Pilipinas tuwing special occassions, something like that. Even Christmas, dito ko na rin naise-celebrate. How hard my life is. Ang hirap mawalay sa pamilya." tuloy tuloy niyang sabi.
I can see on her eyes that she's sad.
"It's okay. At least you'll be with them already." I smiled.
She smiled back.
"Dapat di nalulungkot ang isang magandang babaeng tulad mo. Dapat lagi ka nakangiti."
"Huwag ka nga diyan!" she laughed.
Ganun pa rin ang tawa niya. Di pa rin siya nagbabago.
"Pinapatawa lang kita."
"Thanks." sabi niya saka ngumiti ulit.
She's very beautiful. Especially when she smiles. When she laugs. I love eberything about her.
Nagkwentuhan pa kami at panay ko siyang napapatawa. Ang sarap sa pakiramdam na tumatawa siya dahil sa akin.
"Excuse me lang John ah, pupunta lang akong CR ." pagpapaalam niya.
"Sure."
After few minutes, bumalik na siya.
"Uhhm, John? Matutulog muna ako ah."
"Sige."
Natulog na nga siya. Mukha talaga siyang anghel. She's almost perfect. She'll be mine. Tinitigan ko lang siya habang natutulog siya.
--
Aagawin kita, Vicky. You'll be mine. Hindi ka mapupunta sa Arellano na yun. Sa akin ka dapat mapunta, Vicky. I'll make ways para maagaw kita. I've been looking for you for many years, ngayong nakita na kita, I won't let anybody to get you from me.
Mahal ko si Vicky and I will do everything just to make her fall for me.
--
Sorry guys, di umabot ni Easter Sunday. :(Christ has risen. May the glory and blessings of the Lord be with all of you.
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...