Chapter 58

540 13 2
                                    

VICKY

Nailibing na si John kanina. Nagpaiwan kami ni Lorey sa puntod niya at sinamahan na rin kami nila Alex at Alfred. We're just staring at his grave. Hindi rin tumitigil kakaiyak si Lorey, nagtatanong rin siya kung bakit namatay si John. Ayoko namang sabihan sa kanya ang totoo. Malaking pagbabago na naman ang mangyayari sa buhay ko. Adjustments. Lalo na kay Lorey. Lagi niyang hinahanap si John sa tuwing breakfast, lunch, dinner at hanggang pagtulong. Napakalaki ng parte ni John sa buhay ni Lorey.

"Daddy... Please come home. I miss you." Humihikbi pa rin si Lorey. Pati ako nahahawa na rin sa pag-iyak. Hindi ko ding mapigilang hindi maiyak dahil na rin nakasanayan ko na lagi kong kasama si John. Nariyan lagi ang balikat niya sa tuwing umiiyak ako.

I will miss you John. We love you. Not only as a friend but you have a part in my heart.

"Vicky.." napalingon ako kay Alex.

Naiinggit ako sa kanya. Napaka-strong ng relasyon nila ni Alfred. Buti pa sila, parang hindi nagkakaroon ng problema.

"Sabihin mo nga sa akin Alex, napakasama ko bang tao para mangyari ang lahat ng ito sa akin?" I burst into tears. Ang bigat-bigat na ng balikat ko. Puro nalang ba kasawian ang mararanasan ko. Hindi na ako tumitigil kakaiyak dahil sa mga ito. Sawa na akong masaktan. Kung kaya ko lang kontrolin ang lahat ng pangyayari sa buhay ko, sana puro nalang magaganda. I want to be the author of my life. "Una ang kumpanya.. sumunod si Gabriel...tapos muntikan pang mawala sa akin si Lorey.. ngayon si John naman. Ayoko na Alex. Pagod na pagod na ako."

Niyakap ako ni Alex. Hinaplos niya ang likod ko.

"Vicky, lahat ng bagay bigay ng Diyos. Kapag tinanggihan natin ang mga binibigay niya, para na rin natin Siyang tinatanggihan. Ikaw ang pinili Niya, dahil alam Niyang kaya mo. Kung ano ang itinakda Niya para sa'yo, tanggapin mo ito, tulad ng mga nararanasan mo, kailangan mong kayanin Vicky. Dahil may kapalit itong maganda. Sabi nga nila, walang bahaghari kung walang ulan. Sa kabila ng pagsubok na hinaharap mo ngayon, ay may ginhawa." Alam kong pinalalakas niya ang loob ko at tama lahat ng sinabi niya pero sa oras na ito, hindi ko kayang gawin. I was like a sponge that absorbs a maximum amount of water. And this water serves as the trials I am facing now. Ayokong matulad sa bagay na ito, dahil hindi ko kaya ang kaya niyang gawin. Isa lamang akong tao, may damdamin, marunong mapagod, masaktan at magreklamo.

"Alex...." Kailangan ko itong sabihin sa kanya dahil alam ko na maiintindihan niya ang kalagayan ko.

"Hmmmm." Tumingin siya sa akin at tinitigan ko ang mga mata.

"Babawi ako Alex. Babawi ako. Lalo na si Amelia. Si Gabriel. Silang dalawa. Ipaparanas ko ang lahat ng sakit, pagtitiis at nakasisiguro akong hindi lamang luha nila ang mauubos. Lahat-lahat Alex, gusto kong ubusin lahat-lahat." Nag-aapoy ang puso ko sa galit. Sa mga taong nanakit dito.

Hindi sumagot si Alex. Isa lamang ang ibig sabihin nito, tutol siya. Bahala na kung anong mangyari pero sa ngayon ang gusto ko ay ang makaganti.

Tumayo na kami mula sa kinauupuan at umuwi na. Tahimik lang ang naging biyahe, nakatanaw lang ang mata ko sa bintana at nangangarap na sana isa si John sa mga taong naglalakad sa kalsada sa mga nadadaanan namin. Sana nasa bahay lang siya o kaya sa opisina. Napapa-buntong hininga na lang ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ganitong mga ilusyon.

Pagdating namin sa bahay ay nadatnan ko si Atty. Marquez. Ang personal lawyer ni John. Pagkahatid ko sa kwarto si Lorey, umupo ako sa kaharap na upuan.

"I'm sorry to hear about your loss Mrs. Alvarez." He offered me his hand for a shakehands.

"Thankyou Attorney." We sit up and give each other a glance. He get something in his briefcase. A folder. I stayed silent and wait him to tell what he meant.

"Anyway Mrs. Alvarez, may nasabi ba ang inyong asawa sa inyo bago siya namatay. About his belongings." Pa-uumpisa niya. His eyes shift on from the folder he handled to me.

"Wala naman ho. But as long as I re

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon