Chapter 46: Lost and Found Connection

491 14 2
                                    


VICKY

Tuloy-tuloy na ang paglilihi ko. Ganito pala ang pakiramdam ng mga buntis. Yung dating mga ibang gusto mo ngayon halos ayaw mo na. Kung anu-ano na lang ang kinakain at pinaghahalong kombinasyon. Minsan, iniisip ko nalang na nababaliw na ata ako. Madalas akong sumuka ng wala namang nailalabas na nakain. At isa pa sa ipinagtataka ko, gusto ko laging nasa tabi ko si John. Inaalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Gabriel noon, na huwag na huwag akong lalapit at sasama kay John. Ayoko namang mag-isip siya ng masama pero hindi ko maiwasan. Siya ang lagi kong hinahanap-hanap. Napakasungit ko naman kung hindi ko siya nakikita at nakakasama. Siya na rin halos ang umaasikaso sa akin. Sa pagsama sa akin para magpa-check up. Bumili ng mga kailangan sa pagbubuntis tulad ng mga healthy foods at vitamins. At lagi niya rin akong dinadalhan ng mga pinaglilihian kong prutas at pagkain. Pati laruan pinaglilihian ko. Buti nalang at hindi siya nagrereklamo lalo na sa tuwing pinanggigigilan ko siya. Siya na ang gumagawa ng responsibilidad na dapat ay kay Gabriel.

Ilang araw na ang lumilipas pero hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Nangako siya na imemessage niya ako o dili kaya'y magi-skype kami. May namumuo na tuloy kaba at takot sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ito. Sinubukan ko na rin siyang tanungin kay Lorraine pero hindi rin niya nako-contact si Gabriel. Iniisip ko tuloy na baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda pero naniniwala akong busy lang ito. Ayokong mag-isip ng hindi maganda dahil isa pa baka makasama pa sa pagdadalang-tao ko. Mahirap namang mai-stress dahil sariwa pa ang dinadala ko, ayokong maudlot ang pinakamahalagang regalo ng Diyos sa amin ni Gabriel.

Tatlong araw na mula ng lumipad si Gabriel sa New York. Pero feeling ko isang buwan na. Namimiss ko na siya. Mas lalo pa akong naeexcite sa kung anong magiging reaksyon niya sa napakagandang balita ko. Naiisip ko tuloy kung paano kami mamili ng mga gamit ni Baby. Kung paano niya timplahan ng gatas at palitan ng diaper. Sana ganun siya ka-supportive at devoted sa magiging anak namin. Sana lang talaga.

JOHN

Nakakatuwa lang ang kalagayan ko sa pagbubuntis ni Vicky. Mas ramdam ko ang pagiging ama kaysa pagiging kaibigan niya. Sana ako nalang si Gabriel. Pero paano nalang kung nariyan na siya? Magiging isa na naman akong peeping tom na patagong sumusubaybay kay Vicky. Masaya na ako kahit na alam kong hindi ako mahal ni Vicky basta't kasama ko lang siya. Masaya siya na kasama ako. I'm wishing one day na sana ma-realize niya na ako ang mas karapat-dapat sa kanya kaysa kay Gabriel.

All of a sudden, there are flashing back on my mind.

"Why you're alone miss?" I said to the girl on the airport. She's crying alone on the waiting area.

"It's none of your business. Why you cared?" Sabi niya habang humihikbi.

"Because, I hate to see a crying lady especially in this place." I answered.

"Well... It's hard to explain.. This is the hardest thing I've ever did in my whole life." She said while wiping her tears and faced me.

"What? Crying?" I tried to crack a joke para mahimasmasan siya.

Then she chuckled.

"To left someone that I love." She seriously told me.

"Your boyfriend am I right?" I asked.

I sit on the nearest chair to her seat.

She nod.

"Yes. We're almost getting married but... You know.. It's the easiest way I see to escape all the mistakes I did to him between our relationship." She opened to me.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon