Prepare yourself because the sun will make your palms sweat.
Chapter 69
VICKY
May mga bagay na gusto mo na mawala pero dahil may kadahilanan, nandoon pa rin. Tulad ng takot ko sa kidlat, kulog at dilim. Oo, hanggang ngayon takot pa rin ako sa mga bagay na iyon. Pero laging may isang taong biglang dadating para iligtas ako sa kinatatakutan ko. Pero yung taong dumadating ay ang tao rin na gusto kong limutin. Siguro kaya hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang takot ko sa mga bagay na iyon kasi lagi naman siyang dumadating para iligtas ako.
Pareho ko sila gusto nang mawala at kalimutan. Pero, yung tao? Kung mawawala siya, pakiramdam ko, hindi ko kakayanin.Nauna akong magising kay Gabriel. Tulog na tulog pa rin siya sa tabi ko. At nakayakap pa ang loko. Mabuti na lang Sabado ngayon at walang pasok si Lorey. Ayaw kong makita niya kami sa gamitong posisyon. At hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo.
Napatitig ako sa mukha ni Gabriel. Kahit tulog siya, halata sa mukha niya ang kasiyahan. Kahit naman ako, masaya na nagkasama kami ulit.
"Baka matunaw ako, Madame..." nakangiti na siya at dumilat na. Nakayakap pa rin siya sa akin.
"M-may muta ka kasi. Yuck! Tanggalin mo nga!" palusot ko at agad na tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin.
Natawa naman si Gabriel sa naging reaksyon ko. Pakiramdam ko, pulang pula na ang mukha ko ngayon.
"Uy, si Madame... Kunyari pa!" pang-aasar ni Gabriel saka siya umupo ng maayos.
"Ayusin mo, Gabriel Arellano!" singhal ko. Tumawa lang siya at ilang segundong katahimikan ang lumipas.
Tumayo na si Gabriel. Magpapasalamat ba ako sa kanya? O wag na lang? Ugh. Nahihiya ako.
Malapit na siya sa pintuan pero tinawag ko siya ulit, "G-Gabriel," tumingin siya sa akin na para bang hinihintay niya na may sabihin ako. "Ano... Uhhm, sa kagabi... Ano kasi.." Vicky, simple 'thank you' lang di mo pa masabi!
"Uhhm, Madame, kaya mo yan." biro niya.
Huminga muna ako ng malalim, "Sa kagabi.. S-salamat." Umiwas ako sa kanya ng tingin matapos kong sabihin iyon.
"Sus, Madame, wala 'yon. Super Gabriel is always here to save his leading lady!" sagot ni Gabriel habang nakangiti.
"Yabang mo! Alis na nga!" sigaw ko. Natatawa naman siyang lumabas ng kwarto ko.
Naaalala ko pa ang huling pangyayari bago kami maghiwalay ni Gabriel noong gabing iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag pumapasok ito sa isip ko. Panahon na nga ba para ibigay ang pangalawang pagkakataon na magdudugtong sa kwento namin ni Gabriel? Ang mga nagaganap na magagandang pag-uusap at pangyayari sa amin ni Gabriel simula nang bumalik ulit siya sa buhay ko, na akala ko hinding-hindi mangyayari dahil alam kong hindi na siya magbabalik; ito na ba ang mga hudyat para magpatawad?
"Mahal kita Gabriel. Mahal na mahal. Handa akong patawarin ka kung sakaling iwan ka niya ulit. Mahal kita.. Lagi mong tatandaan iyan."
Nagbitiw ako sa kanya ng mga salita na sa tingin ko ay nabura na ng galit ko sa kanya. At lalong hinding-hindi na inaasahan ni Gabriel dahil siya mismo ay nasasaktan ng mga kasalanan niyang ginawa sa akin.
Kailangan ko ba itong panindigan kahit na siya mismo ay walang paninindigan at nakaya ako, kami ni Lorey noong mga panahong kailan ko ng makakasama sa paghihirap? Mas nararapat nalang na isarado na nang tuluyan ang pintuan ng puso ko? O panahon na para dugtungan ang kwento namin at bumuo ng panibagong relasyon?
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...