We dedicate this special chapter to all of our readers, sa mga dati pang sumusubaybay at mga bago naming readers na tinatag pa kami sa IG and Twitter. Thank you so much guys! Kinikilig kami sa lahat ng feedback niyo. Salamat sa suporta at mag-iingat kayo palagi! Enjoy reading!
--
VICKY
It's 10 in the morning pero nandito pa rin kami sa bahay. Kasalanan lahat 'to ni Gabriel! Sobrang kulit niya kagabi at ayaw ako tigilan. Ayan tuloy, pareho kaming late nagising. We supposed to have a board meeting at 8 AM pero 8 AM na kami nagising.
"Arellano! Ano ba, ang tagal naman! Malelate na tayo!" inis na sabi ko habang nasa walk-in closet sya at namimili ng polo.
"Wait lang, babe. Ano bang bagay sa akin ngayon? Ikaw nga mamili ng isusuot ko."
Napasapo na lang ako sa noo ko. Ano ba 'tong asawa ko? Daig pa ako sa kaartehan! Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kulay blue na polo. Sinuot ko ito sa kanya at sinimulan ko nang isara ang butones.
I can feel na nakatitig siya sa akin pero di ko na pinansin. Kung ano na naman maiisip gawin nito kapag pinatulan ko pa.
Pagkatapos ko ibutones ang polo nya, ako na din ang nagkabit ng necktie niya at hinagis sa kanya ang black coat.
"Sarap naman non, babe! Feeling ko baby ako. Lagyan mo naman ako ng powder, dali," pang-aasar niya.
Tinignan ko siya nang matalim.
"Hehehe. Joke lang naman 'yon, babe kong maganda na sexy na hot pa! I love you! "
Binatukan ko siya. Abnormal talaga itong asawa ko minsan eh. Hindi ko na rin alam.
"Oo na, tara na! I moved the board meeting at 12PM. So kung ayaw mong ma-late pa tayo lalo, umayos ka na!"
Hinatak ko siya pero ayaw niya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Ano na naman?" inis na tanong ko.
"Hindi ka sumagot. Sabi ko, I love you nga eh," sabi niya nang nakapout pa.
Napaka-mature talaga, Gabriel Arellano! Buti na lang ang cute mo kapag umaarte ka nang ganyan.
I gave him a quick kiss on the lips. Then I ran palabas ng kwarto. When I reached the door, I winked at him.
"Lagot ka sakin mamayang gabi, babe!" I heard him shouted.
Natawa na lang ako at napailing.
Gosh, mornings with Gabriel are the best!
xx
Nagbabasa ako ng reports when my phone rang. Unknown number ito kaya hindi ko pinansin. Itutuloy ko na sana ang binabasa ko nang may nag-text.
From: +63917*******
Hello, Vicky! This is Cathy, your friend from high school. Please pick up your phone.After reading the message, nag-ring ulit ang phone ko.
"Hi Cathy, I didn't know that you're back!"
"Vicky!!! I missed you so so much! I'm so sorry, I didn't make it to your wedding."
"It's okay, Cathy. I understand.... Anyway, bakit napatawag ka?"
"Can you make it tonight ba? I'd like to have dinner with my friends sana eh. Don't worry, Alex will be there as well, kakatawag ko lang din sa kanya."
"Ohh. Oo naman, sure! I'll come, can I bring my husband with me? Para sana makilala mo na din siya."
"Oo naman. I would love to meet him. Thank you. so much, Vicky! I'm so excited to see you!"
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...