Chapter 64: Sweet Revenge

865 18 4
                                    

Halos lahat ata ng taong umibig, tinatanong kung paano mag-move on. Wala atang taong nawasak ang puso ng hindi ito tinatanong sa sarili nila o sa ibang tao. Paano nga ba? Pagkalimot ba ang move on? Kasi ang sinasabi ng mga taong nababasagan ng puso, 'Gusto ko nang makalimot'. Seriously? Hindi naman pala pagmu-move on ang kailangan ng mga taong ganun. Kailangan nila amnesia. Hindi naman pagkalimot ang move on eh. Moving forward. Hindi mo siya makakalimutan pero magugulat ka na lang, nawala na ang sakit na binigay niya sa'yo, iyon ang sign na nakamove on ka na. Pero paano kapag akala mo nakamove on ka na sa taong minahal mo, yung tipong nagdecide ka na na makita siya ulit. Tapos, dinedeny mo lang sa sarili mo na hindi ka pa rin tapos sa stage na 'yon. Yung tipong nagpapanggap ka na wala ka nang pakialam sa kanya pero there is something inside you saying that you still care for that someone.

Nandyan siguro sa stage na yan si Vicky. Akala niya, sapat na ang 7 years plus 13 years pa na hindi nila pagkikita ni Gabriel. Akala niya kapag di na niya ito nakita ng matagal na panahon, mawawala na ang nararamdaman niya para rito. Nagtapang tapangan siya, sabi niya, she had moved on already. Nagplano pa siya ng revenge para kay Gabriel. Para ano? Para mabalik lang ulit ang feelings niya rito? Minsan talaga di mo aakalaing mali ang magiging desisyon mo. Bigla mo na lang maiisip na napaka impulsive pala ng desisyon na yon at nadala lang siya ng emosyon.

She's on her way to a bar. Aano siya doon? She's going to pick Gabriel up. Tanga di ba? Wala na daw pakialam. Wala na daw feelings. Hindi na daw mahal. Pero anong ginagawa niya ngayon? Nagmamadaling pinapatakbo ang kotse nya para masundo si Gabriel dahil baka kung ano na ang nangyari sa lalaking yon. She even lied to Lorey. Sabi niya, lalabas daw sila ni Alex tonight. Tinawagan niya naman ang best friend na kapag nagtanong ang anak, sabihin ay magkasama sila. Kilala niya si Lorey, she is smart. Alam niya na ang takbo ng utak nito. Tinanong siya ni Alex kung saan siya pupunta pero sinabi niya na lang rito na saka niya na lang ikukwento.

Nang marating niya ang bar, agad niyang pinarada ang kotse niya. Nagmamadali siyang bumaba rito at tumakbo papasok ng bar. Kabadong kabado siya. Di niya malaman kung bakit siya may pakialam sa lalaking ilang beses na siyang sinaktan.

Pagpasok niya, hinanap niya si Gabriel. Napakaraming tao. Napakagulo. Napakaingay. Ngayon lang ulit siya nakapasok sa isang bar. Luminga-linga siya. Umaasang makikita niya si Gabriel. Lumapit siya sa counter at nagtanong sa bar tender.

"Excuse me, may nakita ka bang lalaki dito kanina? Maputi siya tapos medyo matangkad at saka..." nag-aalangan siyang sabihin ito pero siguro, ito ang kukumpleto sa description, "g-gwapo."

Nag-isip for a moment ang lalaki at agad na ngumiti.

"Yes, Miss. Nandun siya oh." tinuro niya ang table sa sulok, "Kanina kasi, dito siya nakaupo. Eh maraming babaeng lumapit. Dinala siya doon. May binabanggit siyang pangalan kanina. Asawa niya po ata." sabi ng lalaki.

"Anong sinasabi niya?" kinakabahang tanong ni Vicky. Umaasa siya na ang pangalan niya ang sinasabi nito.

"Victoria po. Kayo po ba yun?"

Napangiti si Vicky sa narinig niya.

"Uuhm, excuse me. Puntahan ko lang siya." nakangiti pa ring sabi ni Vicky.

May tatlong babaeng katabi si Gabriel. Dalawa sa left side, isa sa right side. Hanggang ngayon pa rin talaga, lapitin ito ng mga babae. Nakapikit na si Gabriel. Lasing na lasing na siguro ito. Nang tawagan kasi siya nito, agad na siyang pumunta rito.

Nang nasa harap na siya ng table, huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Excuse me, what are you doing with my husband?"

Napatingin sa kanya ang mga babae. Halatang natakot ang mga ito sa tono ng boses ni Vicky. Kaya umalis na lang sila agad nang walang sinabi.

xxx

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon