Chapter 45

521 15 3
                                    

Short Update: This chapter is dedicated to jewjew17! Miss ko na sya eh!

--
VICKY

Happiness, that's what all I have now. Masaya ako kasi unti-unti nang natutupad ang goals ko sa buhay. Masaya ako kasi may pamilya akong nagmamahal sa akin. Masaya ako kasi may Gabriel ako sa buhay ko. Masaya ako kasi nandyan ang mga kaibigan ko. Masaya ako kasi magkakaanak na ako. Ang dami kong rason para maging masaya. Ang ibang dahilan ng kasiyahan ko nasa akin na noon pa pero ngayon ko lang napansin. Siguro nga sa bawat bagay dapat mayroong appreciation para makuntento tayo kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan.

Nandito ako ngayon sa bahay dahil ayaw ako papasukin ni Papa at baka ma-stress daw ako. Pero kay Alex pa lang na nandito, STRESSED na ko. Capital letters para intense.

"VICKYYYY! TOTOO TALAGAAAA?!" siguro, pangatlong tanong niya na 'to simula nang dumating siya rito.

Tinignan ko siya ng masama bago sumagot,

"OO NGA!! ANG KULIT MO ALEX! GRABE!"

Tumawa naman ang loka loka.

"Okaaaay. Ang sungit. But it's okay. I understand." sabi niya at tinaas baba pa ang dalawang kilay niya.

Eh kung sipain ko kaya 'tong babaeng 'to? Ang daming alam! Kainis eh. Kanina pa nagtatanong yan tapos pag sinagot ko, tatawanan ako at sasabihing 'Ang sungit. But it's okay. I understand.' Sinong hindi maiinis?! Ang galing ko pala at natagalan kong best friend yang si Alex.

"Vicky, gusto ko girl ah. Para gagawan ko siya ng mga dress. Tapos makakalibre na ako ng model!" sabi ni Alex habang nakadapa sa kama ko at kumakain ng chocolates. Wow ha. Nakakahiya talaga, Alex!

"Oh edi sana, ikaw ang nagbuntis!" pagsusungit ko sa kanya.

Tumawa na naman siya nang tumawa. Maya-maya lang, tumahimik na ang bruha kong best friend. Kundi pa talaga to nanahimik, nasipa ko na siya. Promise. Char! Mabait ako.

Maya maya parang gusto ko makita si John. Ewan ko kung bakit. Basta gusto ko siya makita.

"Hoy Alexandra! Tawagin mo nga si John!" sabi ko kay Alex na natutulog sa tabi ko. Ang bilis matulog ha. Parang kanina lang, ang ingay ingay nito eh.

Kinurot ko yung dalawang pisngi niya para magising. And luckily, nagising naman.

"Bakit ba, Vicky? Natutulog ako eh. Kaninang kinakausap kita, pinapatahimik mo ko. Ngayong natu--"

Sinuntok ko siya para manahimik. Joke lang. Tinakpan ko lang yung bibig niya.

"Tawagin mo si John! Papuntahin mo dito!"

Tinaasan ako ng kilay ni Alex.

"Di kami close." sagot ni Alex at akmang pipikit na naman pero nagsalita ako ulit

"Tatawagan mo lang! Kailangan close pa kayo?!" sigaw ko kay Alex.

"Hay nakoo! Ang mga buntis talaga! Kung ano maisip, gusto makuha agad." bulong niya.

"Ano binubulong mo diyan ha?" tanong ko.

"Wala. Sabi ko, tatawagan ko na si John. Ano bang number?"

Binigay ko naman agad yung number ni John kay Alex.

"Hello, is this John Alvarez?" Alex said while looking at me.

"This is Alexandra Perez. I'm Vicky's best friend."

Nakatitig lang ako kay Alex habang kausap si John.

"Uuhm, she wants you to go here eh."

"Okay. Sige. Thanks. Bye."

The she ended the call.

"What did he say?" tanong ko agad kay Alex.

"Pupunta na daw siya. Ang gwapo ng bos--"

Binatukan ko siya.

"May Alfred ka na di ba? Wag ka nang ano dyan!" sabi ko sa kanya. Babaeng 'to. May jowa na, jumojondi pa.

"Sabi ko nga!" inirapan pa ako ng loka.

--

Maya maya lang, dumating na si John. May dala siyang mga fruits. Pero ayoko ng prutas eh. Alam ko na gusto ko! Ice cream!

"Alex!" tawag ko kay Alex na naglalaro ata phone niya.

"Ano na naman? Andyan na si John oh!" sagot niya without looking at me.

"Nakikita ko nga. Gusto ko kasi ng ice cream. Bili kaaaaa!"

Tumingin na si Alex sa akin.

"Meron dyan sa fridge." sagot niya.

"Ayoko niyan Alex. Gusto ko bumili ka."

"Whaaaat?"

"Sige na Alex." pagpipilit ko.

"Ako na lang, Vicky." sabi ni John na nasa tabi ko.

"No! Dyan ka lang. Wag ka maingay."

Nanahimik naman si John sa tabi ko.

"Hoy Alex! Sige na kasi!"

Tinignan ako ni Alex ng masama.

"Oo na! Nakoo talaga Victoria Marcial!" inis na sabi ni Alex at kinuha niya na ang bag niya.

--
ALEX

Grabe magdemand si Vicky! Juskoo. Kanina niya pa ako kinakawawa ha. Pagkatapos niya ako pabilihin ng ice cream kahit meron naman sa fridge, inutusan naman ako pumitas ng mangga. Yah. Gusto niya daw bagong pitas. Ayaw ng binili. Ang demanding di ba? Kung di lang talaga buntis 'to!

Eto pa! Ang kaderder lang talaga ng ginawa niya sa mangga.

"Alex! Get me ketchup!" utos na naman niya.

"Huh? Aanhin mo yun?" tanong ko.

"Sawsawan ng mangga!"

"What? Ketchup then mango? That's disgusting!"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Kunin mo naaaaa!!" sigaw niya.

Kapag di ko kasi sinunod yung utos niyan, mabubulyawan at mababara lang ako neto.

So, kinuha ko na nga ang ketchup at binigay sa kanya. Sarap na sarap naman siya sa 'mango with ketchup' niya. Eww lang talaga.

--
VICKY's POV

Nagpaalam na si John sa amin. At maya maya lang umuwi na rin si Alex. Mag-isa na naman ako. Iniisip ko na lang ngayon kung paano ko sasabihin kay Gabriel na magkakaanak na kami.

Ilalagay ko ba yung pregnancy result sa cake? But that's eww. Hahaha.

Isesend ko sa kanya using facebook? But hindi ko makikita reaction niya.

So, napagdesisyonan ko na lang na pagbalik na lang niya ko sasabihin sa kanya. Yung tipong kakababa niya lang ng eroplano. Oo, aabangan ko siya sa paglalandingan ng eroplano.


--
A/N: Hahaha. Sorry sa update na 'to. Kung ano ano lang talaga pumapasok sa isip ko. Bwahahaha! Love you guys!

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon