Chapter 70: Back on Each Other's Arms

723 20 6
                                    

Ang tagal ng hinintay niyo. Haha. Sorry na. Naging busy lang po talaga. Don't forget to comment and vote ah.

THIRD PERSON

(Please play Reunited by Peaches and Herb on this part mas para dama. )

Sino ba naman ang mage-expect na sa dami na nangyari, sila pa rin sa huli? Sila na ba ang patunay ng destiny at forever? Tama nga sila, kahit anong mangyari, kung para talaga kayo sa isa't isa ng isang tao, anuman ang mangyari at humadlang sa pagitan ninyo, kayo pa rin ang magkasama at haharap sa problemang ito sa dulo.

Nasa loob na ng tent (Gabriel's. Wala nang empty room buti na lang ready ang Fafa niyo at nakiki-ayon pa sa kanya ang mga happenings) sina Vicky at Gabriel, magkayakap na parang walang makakaagaw na iba sa kanila. Tahimik lang sila pero may ngiti at saya sa kanilang mga mukha.

"Toria," he called, parang nag-flashback kay Gabriel ang mga masasayang ala-ala nila noon. Vicky looked at him, "Hmm?"

"When I chose Amelia over you, my life was ruined. Wala akong magawa kung hindi ang pagsisihan ang ginawa ko sa'yo at sa anak natin. Ang gago ko lang dahil sinaktan kita. Ang babaeng walang ginawa sa akin kung hindi mahalin ako. Ang babaeng pinagkatiwalaan ako pero sinira ko lang ang tiwala niya. Ang babaeng nasaktan dahil sa kagaguhan ko." he kissed her forehead, "Araw-araw akong nagsi-sisi sa mga nagawa ko. Wala kaming ginawa ni Amelia kung hindi mag-away araw-araw. I never wanted that life. I want to live my life with you pero sinira ni Amelia 'yon. I had a chance to win you back when you asked me to help our daughter when she was dying but I reject you once again. But, you know what? I followed you that day. I--" Vicky cut him there, "Wait, don't tell me, you were the on who gave Lorey a second chance to live?" she asked with her eyes wide open.

He nodded and continued, "I never let you know dahil ang iniisip ko, mas okay ka na no'n. May bago ka nang mahal at hindi na ako ang nagpapangiti na sa'yo, na masaya ka na kasama si John. When I saw Lorey, I wanted to tell her that I am her father but I didn't because I know that she won't believe me. She has John as his father that time and I can see that she is happy with him." there is sadness on his voice, "Years had passed, bumabagsak ng bumabagsak ang kumpanya, I think, it's my karma for hurting you always. But I am still thankful to God that he gave me a new chance to correct all the mistakes I've done before. Binigyan Niya ang pag-ibig natin ng panibagong tsansa. Akala ko noong una, you already lost your feelings for me. Tinanggap ko na kasi na hulog na hulog pa rin ako sa'yo at kailanman wala ka nang balak na saluhin ako. Pero noong nakita ko yung mga mata mo, I knew it. Our story is not yet over. We're still going to continue this life together. Nakita kong mahal mo pa rin ako at gusto mo pa rin akong makasama habang buhay gaya ng gusto ko. At hindi nga ako nagkamali. Tinatago mo lang ang pagmamahal mo para sa akin sa galit at masasakit na salita para isipin kong wala na tayong pag-asa. Mabuti na lang at hindi ako sumuko. Kung hindi, hindi tayo magkasama rito ngayon. Wala kang gwapong sexy na hot pa na kayakap ngayon."

Natawa si Vicky at hinampas ng mahina ang braso ni Gabriel. "Kahit kailan ka talaga, Arellano! Ang yabang mo! Tsaka panira ka ng moment! Maiiyak na ako sa touching story mo tapos bigla kang babanat diyan! Ewan ko sa'yo!"

A comfortable silence occured between them again until she decided to break it, "Alam mo, akala ko magiging okay ako kahit dibmo ako pinili eh. Alam mo, pagkatapos nating mag-usap sa parking lot n'on, dinala ako sa ospital. Muntik nang mawala si Lorey. John was there. He took care of me. Lahat ng pagkukulang mo, siya ang pumuna. Lahat ng pagmamahal na gusto kong maramdaman galing sa'yo, siya ang nagpadama." she paused, "Pero alam mo Gabriel? Ikaw pa rin ang mahal ko n'on. Noong nasa ospital ako nang manganak ako kay Lorey, umaasa ako na bigla ka na lang papasok sa pintuan at yayakapin ako saka hihingi ng tawad. Nagi-guilty nga ako minsan dahil si John, mahal na mahal niya ako at nagsisisi ako dahil hindi ko mabigay sa kanya nang buong buo yung pagmamahal ko dahil ikaw pa rin ang mas matimbang. The locket you gave me, I kept it and I always look at it everytime I remember you. Pero noong sinaktan mo ako ulit, I throw it somewhere. Hindi ko alam kung nasaan na 'yon ngayon. Habang tumatagal, mas minamahal kita pero mas pinapakita ko ang galit dahil gusto ko makaganti. Pero ang galing lang ng nangayari. I just fell on my own trap."

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon