Chapter 7

961 22 5
                                    

This chapter will be dedicated to @Rhowann_Is_My_Name. Thank you for your votes and comments!

Gabriel and Vicky on our multimedia! ❤

--

Chapter 7

VICKY

Hindi ko alam kung maaawa ba ko sa lalaking yun dahil wala na siyang magulang o maiinis pa rin dahil sa mga pang-iinsulto niya sa akin. Hindi ko talaga in-expect na wala na siyang parents. Parang normal lang naman siya. Oops! Abnormal nga pala ugali 'non! Minsan, mabait, madalas, bwiset.

Ewan ko ba! Pero kusa na lang lumakad ang paa ko pababa ng building. Parang gusto kong i-comfort siya.

Ano ba yan, Vicky! Bakit mo ico-comfort yung lalaking 'yon! Kadiri lang ha! Ang dapat mo lang gawin, accept his offer and that's it. Walang pacocomfort na magaganap!

Sumakay na ako ng taxi. Nagpapahatid lang ako kay Mang Pedring, remember?

"Mang Pedring, Manila North Cemetery po tayo." sabi ko kay manong.

"Okay po, Ma'am!" sabi ni Mang Pedring at pinaandar na ang sasakyan.

Lord, tulungan nyo po ako sa gagawin kong 'to. Sana po maging masaya na po si Gabriel sa buhay niya kahit wala na siyang kasama. Kung gusto niyo po, kami na lang para maging masaya siya. Joke lang po. Amen.

Vicky, kayang kaya mo yan! Ikaw pa!

--
GABRIEL

"Gabriel..."

Lumingon ako para makita ang tumawag sa akin.

"Lorraine?"

I hugged her.

"Kailan ka umuwi?" I said while hugging her.

"Kanina lang, Riel. Dumiretso nga ako dito agad para bisitahin ang mama at papa. I didn't expect na nadito ka din pala. At miss na miss mo ko ha?" natatawang sabi nito

Si Lorraine ang nakababata kong kapatid. Nag-aaral siya sa Canada. She's adopted but I treat her like my real sister. Siya lang naman ang kapatid ko. Ayaw nya akong tawaging 'kuya' kahit mas matanda ako sa kanya. Ewan ko ba dyan. Mas gusto niya Gabriel lang or Riel.

"Riel, saan ka nakatira? Sa bahay ka na lang natin ah. Wala akong kasama dun eh." sabi ng kapatid ko.

"Sure. For you, my baby sister. Aruuu!"

I pinched her cheeks.

"Gabriel! Wag nga! Masakit eh! Tsaka ang corny mo! Yan ba yung natutunan mo sa Chicago? Huwag ka na babalik dun kung ganun. Baka pgbalik mo dito, mais ka na talaga. "

I laughed. Namiss ko 'tong kapatid ko na 'to.

"Baliw ka talaga! Kailan ba balik mo sa Ca--"

"Mr. Arellano?"

--
VICKY

Nasaan kaya yung lalaking yun?

May nakita akong bukas na museleo. Baka ito na.

Lumakad ako palapit doon. Tama ako. Nakita ko nga si Gabriel. Pero may kasama siyang babae. Girl friend niya? Sus. May pumatol diyan?

"Mr. Arellano?" sabi ko.

Tumingin silang dalawa sa akin at sumimangot sa akin yung kasama niyang babae.

"Hi! Girl friend ka ba ng kuya ko?"

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon