Chapter 57

557 13 4
                                    

VICKY

"Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

Hindi ko nasagot ang tanong na 'yan. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya sabihin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Gabriel. Hindi ko kaya ipamukha sa sarili ko na ang taong mahal ko, iniwan lang ako. Kahit gustong gusto ng puso kong isigaw na 'Oo, mahal ko si Gabriel!' Di ko magawa, kasi ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko nang umasa pa na may pagmamahal pa siya sa akin.

Ayaw ko nang isipin na mahal ko ang taong niloko lang ako at pinaglaruan. Ayaw ko na ng mga bagay na gugulo sa isipan ko pero hindi ko mapigilan. Mahal ko pa rin kasi siya. Mahal ko siya pero gusto ko siyang gantihan. Gusto ko siyang gantihan dahil binale wala niya ako, binale wala niya ang anak namin. Ang pagmamahal ko sa kanya ay natabunan na ng galit. Galit na alam kong parati nang mangingibabaw sa puso ko dahil sa mga nangyayari sa aking buhay. Dahil sa mga pasakit na ipinaranas ng mga taong nasa paligid ko. Ayaw ko man magtanim ng galit, pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan, kasi masyado na akong nasasaktan. Wala na akong maibibigay. Sagad na sagad na.

Hirap na hirap na akong magtiwala ulit. Dalawang beses. Sapat na siguro 'yon para matuto ako na hindi lahat ng taong nagpapakita ng kabutihan ay may mabuting hangarin. Minsan, bubulagin ka nila ng kanilang kabutihan para sa sarili nilang kapakanan. Bandang huli, ikaw lang rin ang masasaktan.

Binasag ng ring ng telepono ang katahimikan ng buong bahay. Agad ko itong sinagot. Nang aabutin ko na ang telepono, nabunggo ng kamay ko ang katabi nitong litrato. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Litrato ito ni John, nakangiti siya at masayang masaya.

"Hello?"

"Hello? Is this Mrs. Victoria Alvarez?" a voice of a woman said.

Kinakabahan ako. Ayaw kong isiping may masamang nangyari pero hindi ko mapigilan. Sana naman hindi tama ang naiisip ko.

"Y-yes. A-ako nga. Who's this?" napapikit na ako.

"I'm from *** Hospital. I'm sorry but you really need to go here now."

"A-anong nangyari?"

--
GABRIEL

Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan doon. Siguro, dahil umasa ako na madudugtungan ulit ang istorya namin ni Vicky. Pero, siya mismo ang nagtulak sa akin palayo. Hindi siya nakinig sa akin. Siguro nga, wala na akong parte sa puso niya.

Napakatanga ko dahil binitiwan ko siya. Napakaduwag ko. I chose Amelia over her, over Vicky, na mahal ko. Tapos ngayon, malalaman ko na niloloko lang rin pala ako ni Amelia.

Kung pinili ko siguro si Vicky, magiging masaya kami. Magiging maayos ang buhay naming dalawa. Palagi sigurong may ngiti sa labi ko. Pero, hindi. Hindi ko siya pinili. Sinaktan ko lang siya nang paulit-ulit. Kahit nagkaroon na ako ng second chance para bumawi sa kanya, mas pinili ko pa rin na saktan siya dahil naduwag ako. Pinalampas ko ang pagkakataon na 'yun para kay Amelia. Para sa kapakanan ni Amelia. Palagi na lang si Amelia ang dahilan. Palagi na lang siya ang sanhi ng mga nangyayari kay Vicky.

Pagkatapos akong itaboy ni Vicky, dumiretso ako sa bar. Sa bar kung saan ko kinuwento kay Vicky ang masasakit na nangyari sa akin. Ngayong nasasaktan ulit ako, wala na akong Vicky na dadamay sa akin. Wala na akong Vicky na magpapagaan ng loob ko, na sasabihing may paraan lahat ng problema, may solusyon.

I drank my 10th bottle of beer. Alak na lang siguro ang pwede kong makaramay ngayon. Wala na kasing nagmamahal sa akin. Wala na akong masasabihan ng mga hinaing ko.

--
VICKY

Pagdating ko ng hospital, dumiretso agad ako sa emrgency room. Binuksan ko agad ang pinto kahit binabawalan ako ng mga nurses at guards. Nakita ko si John, duguan. Tatakpan na sana siya ng puting kumot pero lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanang kamay niya.

"I'm sorry, John. I'm so sorry..." I cried.

He lost his life. And it's because of me. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako. Ako lang.

--

I'm arranging his things needed in the funeral. Bakit napakabilis ng oras, ng mga pangyayari. Napakarami tuloy sana ang sumasagi sa isip ko. Sana naintindihan ko siya. Sana napatawad ko siya. Sana hindi ito nangyari sa kanya dahil kahit sa kabila ng panloloko niya sa akin, mabuti pa rin siyang tao. Sana napigilan ko siyang umalis. Sana  hindi ko siya sinabihan ng mga masasakit na salita. At sana nasabi ko ang totoo, na kahit papaano mahal ko siya bilang kaibigan.

Karamihan sa atin, nasasabi lang natin ang mga gusto nating sabihin sa isang tao kung wala na ito. At saka lang natin nakikita yung kabutihan niya kapag nawala na siya.

Sa anim na taon naming pagsasama, hindi sumagi sa isip ko na kilala niya si Amelia. Oo nasaktan niya ako, dahil sinira niya ang tiwala ko, pero ngayon hanggang doon nalang iyon. Ang sama ng loob ko sa kanya ng malaman ko ang katotohan ngayon ay unti-unti ng naglalaho dahil mas nakikita ko na ngayon ang kabutihan niyang nagawa. Nakipagsabwatan siya kay Amelia para makuha ako, hanggang doon lang ang kasalanan niya at sana naisip ko ito bago pa siya nawala. Dahil sa pagmamahal niya sa akin, ginawa niya ito. Mas masakit pa rin ang ginawa ni Gabriel sa akin. Sana siya nalang ang namatay. Sana mawala na rin siya sa mundong ito. Dahil sa kanya, mas nasaktan si John. At ito ang dahilan kung bakit nangyari ito sa kanya. Pagbabayaran nila ito. Lahat ng ito, sila ni Amelia.

Nawala na lahat ng mabubuti sa buhay, at lalo pang dumarami ang masasamang pangyayari ang dumarating. Si Amelia, si Gabriel.. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung nagagawa nila akong saktan ngayon, mas ipararanas ko sa kanila ang lahat ng sakit. Hindi na ako magtitiwala. Hindi na ako magmamahal. Dapat sarili ko nalang ngayon ang iisipin ko, tulad ng ginawa nila. Pagod na ang puso kong magmahal, umintindi at magtiwala. Sisiguraduhin kong mas masakit ang mararanasan ninyong dalawa. Ikamatay ko man, pero gagawin ko ang lahat-lahat maranasan niyo lang rin ang masaktan.

--
A/N: Oo naaaaa! Short update na. Hahaha. Pasensya na pooo. Mehehe. Next chapter na lamg kami babawi. Hihi. Love you all! Vote and comment lang mga bebes!

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon