Chapter 65: The Other Way Around

619 16 16
                                    

AMELIA

Ibinigay ko ang lahat-lahat. Hanggang sa pinakadulong bahagi ng pagkatao ko ay isinuko ko para lamang maibalik ang magandang relasyon namin ni Gabriel. Pati ang katotohanan ay ginamit ko, maasam lamang ang pagmamahal niya sa akin. Buong akala ko ay naunawaan niya kung bakit ako umalis noon. Ngayon, isa lamang ang pinagsisisihan ko. Matagal ko na itong pinagsisisihan at hanggang ngayon, sana ay sinabi ko na lamang ang totoo sa kanya kahit na alam kong ikadaragdag ng sama ng loob niya. Hindi sana nagbago ang pagtingin niya sa akin, hindi sana niya ako ngayon ipinagtatabuyan na parang isang pulubing nanlilimos ng pagmamahal at hindi sana niya nakilala si Vicky; ang taong sumira sa akin. Dahil sa kanya, nagkagulo kami ni Gabriel, nagulo ang buhay ko. Hindi ako makakapayag na isang babae lamang na katulad niya ang tuluyang papatay sa pagkatao ko. Ipinangako ko noon sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang hindi mawalay sa piling ni Gabriel. Kahit ipahamak pa ng buhay ko, kahit ikakikitil pa ng buhay ko, titiyakin ko lang na tuluyan nang mabura ang pangalan, mukha at buhay ni Vicky kay Gabriel at sa mundong ito. Hindi ako natatakot na magkasala dahil noon pa man ay punung-puno na ang pangalan ko sa libro ni San Pedro ng mga kasalanan at alam kong sa impyerno mapupunta ang kaluluwa ko kaya lulubusin ko na.

I get my phone on my pouch and called someone na alam kong makakatulong sa plano ko.

*phone ringing

(Hello? I'm glad you called me again Amelia. What's now?)

"Alam na alam mo talaga na may kailangan ako sa'yo, Teo."

Siya ang lagi kong hinihingian ng tulong dahil alam kong malinis at matagumpay ang mga gawa niya. He's one of my father's opponent. Yes, tauhan siya ni Papa sa mga kagaguhan niyang ginagawa sa pulitika. Si Teo ang nagliligpit ng mga taong nagtatangkang magsuplong laban sa mga illegal na transaksyon ni Papa. At siya rin ang may kagagawan kung bakit namatay ang Papa ni Gabriel. Dahil doon ang totoong dahilan kaya ako lumayo, ayaw ni Papa na may komunikasyon pa ako kay Gabriel dahil baka may makuhang impormasyon sa akin si Gabriel. Ipinaligpit ni Papa si Tito Dor dahil nakita niyang nakikipag-usap siya sa tauhan ng isang illegal na factory malapit sa subdivision nila. Hindi alam ni Papa na makikita siya ni Tito Dor at ayaw niya sana itong saktan o ipaligpit pero alam niyang, kakanta ito. Masakit man sa loob at konsensya ni Papa na ipaligpit ang papa ni Gabriel dahil makakasira ito sa relasyon namin pero ayaw niyang mabahiran ng kontrobersya ang pangalan namin. Totoong Cardiac Arrest nga ang ikinamatay niya dahil hindi niya nakayanan ang tensyon nang makita niyang nakatutok ang hawak na baril sa kanya ni Teo.

Ngayon, nasisiguro kong hindi ito ang mararanasan ni Vicky dahil ni ugat ng kanyang buhok ay masasaktan. Kung hindi siya makuha sa emosyonal, natitiyak kong luluha siya ng dugo at magmamakaawa sa harap ko bago siya malagutan ng hininga. Hindi ko siya patatahimikin, ni kaluluwa niya sa impyerno.

--

GABRIEL

Nasa isip ko pa rin ang mga hindi ko inaasahang nangyari noong nakaraang gabi. Hotel.. Magkatabi kami ni Vicky na walang saplot.. At tuluyan na kaming hiwalay ni Amelia. Kahit isang dahilan kung bakit ganoon ang mga nangyari ay walang rumehistro sa utak ko. Ito talaga ang naidudulot ng kalasingan. Tuluyan na kaming hiwalay ni Amelia, hinakot ko lahat ng gamit ko at bumalik sa sarili kong bahay. At dahil dito, nakalanghap ako ng sariwang hangin. Para akong nakalaya sa kulungan. Ngunit ang akala ko ay maaayos na ang pagitan sa aming dalawa ni Vicky. Pagtapos ng gabing iyon ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Walang message o call na natanggap sa kanya. I tried to search her pero nabigo ako. Alam ko naman na planado iyon at iyon naman ang intensyon talaga ni Vicky kung bakit siya nagpapakita ng mga bagay na mayroon sa amin dati. Tinanggap ko na kahit maging isa pa akong robot na susunod lang sa mga gusto niyang mangyari at handa akong masaktan, makasama ko lang siyang ulit. Pero hindi ko inakalang pagkatapos ng lahat ng iyon, ay iiwan niya ako sa ere na parang isang dahon na babagsak lang kahit saan. Wala na siyang pakialam ngayon dahil nakuha na niya ang gusto niya.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon