VICKY
Pabalik-pabalik.
Palakad-lakad.
Ito lamang ang tangi kong magawa habang hinihintay ang mga doctor na lumabas sa Emergency Room.
Sana lang talaga dininig ng Panginoon ang mga dasal ko.
Nasa labas lang kami ni John, naghihintay kay Lorey.
Pati siya hindi mapakali sa kinauupuan. Nakatingin sa kawala.
Habang tumatagal ang paghihintay namin, lalong bumibigat ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin.
Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay makakaya ito ni Lorey.
Magdadalawang oras na silang nasa loob.
I stop pacing. My hand hold my face and I start to cry again.
Hindi ko makalimutan yung itsura ni Lorey kanina. Para siyang nagmamakaawa na huwag ko siyang iiwanan. Nakakaawang bata.
Napatingin ako nang lumabas na ang mga doktor.
Lalong bumilis ang mga pintig ng puso ko.
GABRIEL
Sinundan ko siya hanggang sa hospital.
Nang mawala siya sa paningin ko I get the details kung saan ang room, doktor at kailan ang operation niya. At may nakita akong isang paraan para bumawi pa.
Dumiretso ako sa office niya para kausapin siya. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko pero mas kailangan ko itong gawin para burahin ang lahat ng guilt ko kay Vicky at sa anak namin.
VICKY
Hindi sumasagot sa mga tanong namin ang mga doktor at nurses na lumalabas. But they allowed us to enter in the room.
Pagkabukas namin ng pintuan, dahan-dahan akong lumapit.
Mas lumakas ang mga hikbi ko.
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
Nakita ko siyang nakahiga sa kama.
Para siyang isang anghel.
Noong nakita ko siya na nakalabas na galing sa tiyan ko. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo. Lahat ng pagtitiis ko noong dinadala ko pa lamang siya, lahat ay napalitan ng tuwa at saya. Hindi ko napigilang mapaluha. Hindi ko inakalang magsisilang ako ng isang sanggol at isa na akong ina. Hanggang sa lumalaki siya, natutong maglakad, magsalita, unang gupit, unang pagkain ng kanin, unang salita at hanggang sa hindi ko na siya mahabol sa bilis ng pagtakbo. Kahit na pagod na pagod akong inaalagaan siya, makita ko lang masaya dahil sa pagmamahal at kalinga ko, lahat napapawi. Noon akala ko napakahirap maging isang ina, pero hindi pala. Masarap maging isang ina, lalo na kung nasusubaybayan mo araw-araw. Nakakagaan sa loob. Hindi matatawarang kaligayahan ang makita siyang nag-eenjoy habang nilalaro mo siya, nilalambing at nakikitang natututo ng mga magagandang bagay.
"Lorey.." Mahinang tawag ko sa kanya.
Pero wala siyang sagot.
I bite my upper lip. Pinipigilan kong ilabas ang mabigat kong emosyon.
"Baby.. Mommy is here.." Ulit ko na ngayon ay mas malakas.
Wala pa rin siyang sagot. Tumingin ako kay Dr. Pascual na naiwan sa loob.
Niyakap ako ni John.
I can feel his grief.
Hindi..
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...