Chapter 67: Stucked in the Past

735 19 13
                                    

Happy 30K reads, mga GaLor Bebes! Keep on supporting us. :)

This chapter is dedicated to our dearest Maria and Joy! We love you guyssss!

--

Maagang pumunta si Gabriel sa bahay nila Vicky with his things. Nasabihan na si Mang Pedring so he accomated him to the room that they're giong to share now. Inayos niya ang mga ito sa cabinet and fix his bed. Maya-maya ay lumapit si Mang Pedring sa kanya and tapped his shoulder.

"Alam mo, kung hindi ka lang talaga loko-loko noon, siguro ngayon, katabi mo si Vicky sa kwarto niya at hindi ka dito kasama ako." He said with a sense of humor that made Gabriel laugh a bit. Napaupo si Gabriel sa kama para makausap si Mang Pedring.

"Hindi ko naman ho intensyon na hiwalayan si Vicky noon. Kailangan ko lang talaga mamili, at heto.." Ngumiti siya ng pait "mali ang naging desisyon ko." Patuloy niya. Napangiwi si Mang Pedring sa sinabing iyong ni Gabriel. "Ayun!" Singhal ni Mang Pedring sa kanya na animo'y pinagsasabihan na parang tunay na anak. "Doon tayo lagi nagkakatalo ee. Dapat inisip mong mabuti, Gabriel." Huminto siya sa sinasabi at umupo sa kanyang kama. Taimtim na nakikinig si Gabriel sa sasabihin ni Mang Pedring sa kanya. Kahit na alam niyang paulit-ulit na lang niya itong naririnig sa iba. "Ang pagdedesisyon e hindi parang exam na kung hindi ka sigurado sa magiging sagot mo, pipili ka nalang ng kahit ano." Seryosong sabi ni Mang Pedring kay Gabriel na ngayon ay nakatingin sa kawalan pero nakikinig pa rin. Ngayon lang niya naramdaman ang pagko-comfort ng isang ama. "Dapat pinag-isipan mo munang mabuti." Dagdag pa ni Mang Pedring. Tumayo siya at tinapik ang balikat ni Gabriel. "O siya, mauna na ako. Ihahatid ko pa si Lorey. Ayaw na ayaw pa man din niyang nata-traffic." Paalam niya at lumakad palabas ng pintuan.

Ilang segundo ding natahimik si Gabriel pero nang maalala niyang hindi pa pala sila nagkikita ni Lorey ay lumabas na rin siya ng pintuan. Dumiretso siya sa may balcony na hindi naman kalayuan sa garahe nila kung saan nadaanan niya si Mang Pedring na pinupunasan ang kotse.

Nakita niyang palabas na si Lorey kaya mas lumapit pa siya.

Nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Gulat na gulat ang itsura ni Lorey nang makita si Gabriel. Nang makabawi sa pagkakatitig, gumanti si Lorey ng ngiti oay Gabriel na hindi makapaniwalang magkikita sila ulit ng anak noya. Lumakad palapit sa kanya si Lorey. She's still smiling.

"Hi Good Stranger Man!" Bati ni Lorey kay Gabriel. Mas lumawak ang pagkakangiti ni Gabriel ng banggitin ulit ni Lorey ang tawag sa kanya nito.

"Hi. Good Morning." Ito lamang ang nasagot niya. Hindi siya mapakali dahil baka may hindi maganda siyang masabi dito.

"What are you doing here?" Tanong sa kanya ni Lorey. Hindi mawawala ang mukha ni Vicky sa kanya. Para siyang replica nito.

"Uhmmm... I'm your mother's new driver." Sagot ni Gabriel. Nanginginig ang buong katawan niya sa muli nilang pagkikitang iyon. Buti na lamang ay nakapamulsa siya kaya't hindi ito halata ni Lorey.

"Wow! Good news! We can see each other everyday. Stay in?" Masayang sabi ni Lorey. Para siyang bata na napagbigyan ng hiling. Tumango naman si Gabriel bilang tugon.

"Oh God! That's a very good thing. Best thing to start the day. I was looking for you long time ago. Akala ko hindi na tayo ulit magkikita." Tuloy-tuloy na sabi ni Lorey na parang nakikipag-usap sa isang napakatalik na kaibigan, na parang kilala nila ang isa't-isa.

"It's getting late, school time." Ito lamang ang nasabi ni Gabriel. Gustong-gusto niya itong yakapin at sabihin ang totoo pero ayaw niyang mawala ang muling pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Vicky para mapalapit sa kanilang dalawa ni Lorey.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon