She was preparing a breakfast for Lorey. Ginagawa niya ito every Friday para magkaroon pa rin siya ng time para makasama ito. Bumaba na si Lorey at umupo sa dining table. She put the food on the dining table at nagtimpla rin siya ng gatas para kay Lorey. She didn't allow her to drink coffee for her to stay healthy. May hawak na printed materials si Lorey habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato nito. Alam niyang may quiz na naman ito. "Lorey, lagyan mo muna yang tiyan mo. Ituloy mo nalang iyan after." She said at umupo na rin para kumain. Maaga pa naman kaya may oras pa para gawin ito. Inilapag ito ni Lorey sa bakanteng upuan sa tabi at kumain na. Madalang silang nagsasabay sa pagkain lalo na tuwing lunch at dinner kaya madalas nagsasalo lamang sila tuwing almusal. Kahit na napaka-busy niya sa kumpanya she still seeking time to eat with her. Hinding-hindi siya nawawalan ng suporta at panahon para kay Lorey. Ginagawa niya ito sa loob na ng labingtatlong taon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na itong matapos sa kolehiyo and will enter the world of business soon. Lorey is taking of Commerce in UP Diliman at President's Lister pa ito kaya mas ginaganahan siyang magtrabaho para pagka-graduate niya, she will be the one to take over her responsibility sa naiwang kumpanya ni John. Ito rin ang ipinangako ni Lorey sa kanya ng napagdesisyunan niyang kumuha ng business course. Hindi siya nagsisisi na pinayagan niya ito dahil masikap mag-aral si Lorey. She allowed her to pursue what she was dreaming of to be. At ito rin naman ang gusto niya para sa anak niya, ang makapagtapos, ang magtutuloy ng sinimulan ng mga ninuno niya at ang gawin kung ano ang nakabubuti sa kanya. Lagi naman siyang nakasuporta at handang tumulong para mangyari ang mga ito. Masasabi niyang mas magaling magdesisyon para sa sarili niya si Lorey kesa sa kanya kahit na hindi pa nito naaabot ang tamang edad para sa mga ganitong bagay. Naaalala niya tuloy yung araw na unang pumasok si Lorey. She was so excited then clutching the strap of her bag pack. Tuwang-tuwa pa ito ng maisuot ang uniporme nito. Kaya mula pagkabata nito ay nakita niyang may interes si Lorey sa pag-aaral at dala-dala niya ito hanggang ngayon. She was very proud of her everytime she got medals na bunga ng kanyang pagsusumikap.
Pagkatapos nilang kumain, sabay na silang pumasok. Siya rin ang naghahatid sa kanya sa school kahit na medyo may kalayuan ito sa kumpanya. Binabasa pa rin niya ang mga papel na nakaupo sa may Passenger's Seat. Talagang nakasubsob lang siya sa pag-aaral dahil hindi man lang ito nag-aayos tuwing papasok. Nakalugay lang ang buhok, powder lang ang nasa mukha at kahit konting lipstick ay wala. Nang nasa tapat na sila ng university ay humalik si Lorey sa kanya. "Goodluck sa Exam anak. Don't forget to text Mang Pedring to drive you home." Bilin niya. Hindi na niya nagawang bumaba. Tumango lang si Lorey at isinara na ang pinto kaya agad na rin siyang dumiretso sa kumpanya.
Habang tinatahak ang Edsa papunta sa JVL Loan Inc. Ay naisipan niyang tawagan si Alex. Nasa bakasyon sila ni Alfred sa probinsiya nito at sobrang miss na niya sila. After a several rings ay sinagot ni Alex.
"Hello Alex!"
(Hi Vicky. Napatawag ka?)
"Want to know how you spend your vacation."
(Ang sarap ng hangin dito, you should go here too. Di bale, malapit na ang bakasyon kaya makakasama si Lorey.)
"I will think of that Alex. Anyway, kamusta si Bryan?"
Hindi na sila nagka-anak ni Alfred so they have decided to adopt. Buti nalang at may Orphanage si John na tinutulungan kaya madali silang nakapag-ampon. Malaki na si Bryan ng makuha na nila ito, mas matanda lang siya ng isang taon kay Lorey noon. At naging kababata siya nito. They both grew up na laging magkasama. Naging magaan din ang loob nila sa isa't-isa nang una silang magkita. Mabait na bata si Bryan. Kahit alam nitong adopted child lang siya, hindi siya nagkaroon ng takot sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sa kanya. And he was satisfied naman sa full-support na ibinibigay sa kanya ni Alex at Alfred. He's also doing well on his studies na ikinatutuwa ng dalawa. Hindi sila nagsisi sa pag-aampon sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...