Chapter 9

967 21 4
                                    

Chapter 9

VICKY

Tawagin ba naman akong assuming! Eh sa lapit ng mga mukha namin, parang gusto niya talaga ako halikan. If I know, he just can't resist my lips.

Okay lang naman ang first day ko sa trabaho. Hindi naman masyadong nakakastress, kaya pa naman ng powers ko. Pero ang di kaya ng powers ko? Yung kasama ko sa iisang office yung bwisit na lalaking yun! Parati niya akong napapansin! Nakakaasar! Lahat na lang ng ginagawa ko, may sasabihin siya. At idagdag pa yung kapatid niyang inaakalang jowa ko yung kuya niyang paepal. Excuse me lang ha, di ako papatol!

Makatulog na nga! Ayaw ko nang isipin yung lalaking yun! Di ako makakapag-beauty rest niyan eh!

--

GABRIEL

What a beautiful morning!
A perfect morning for a cup of coffee for me.

Pagkatpos ko mag coffee eh naligo na ko agad to prepare for work. I chose a white polo, gray tie and a black suit. Ang gwapo ko talaga! Sino ba namang babae ang hindi maaakit sa akin? Hay.

After preparing myself, inisip ko kung may nakalimutan pa ako. Oo nga pala, yung phone ko!

Pumasok ulit ako sa kwarto ko to get my phone on my bed. I checked it if my important message. Well, wala naman. Kaya naisip kong i-text na lang si Toria. For sure, maiinis yun lalo sa akin. Ang saya niya kasi asarin. Masyado siyang pikon.

To: Toria

Good morning Ms.Marcial! Nakatulog ka ba ng maayos? Napaginipan mo siguro ko. Dont be late, okay?

After texting her, dali-dali na akong bumaba para maaga akong makadating sa office.

Bago pa ako makalabas ng gate, nagvibrate bigla ang phone ko.

*bzzt bzzt*

From: Toria

Good morning MONSTER! Nakatulog ako ng maayos kasi hindi kita napanaginipan. Buti nga yun. Tsaka ang assuming mo na mapapaginipan kita ha! And don't worry, boss nandito na ako sa office.

Napangiti ako sa text niya. Napakadefensive. May gusto talaga sa akin 'to eh.

To: Toria

Good. Napaginipan kasi kita. Oh baka magassume ka. It was a night mare. Just kidding.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Medyo traffic pa pala. Pero may mabilis na route akong alam kaya naiwasan kong malate.

--

VICKY

Ano kaya ang naisip ni Gabriel at tinext ako? Tapos, nagassume pa na napaginipan ko siya. Ang kapal niya, please! Ang sarap niyang ibitin pabaliktad. But, tama naman kasi siya. Ugh. I hate to admit this pero napanaginipan ko yung lalaking yun dahil sa sobrang kakaisip ko sa inis sa kanya. Hundi masyadong malinaw ang mga nangyayari sa panaginip ko eh. Pero alam kong andun siya.

Anyway, pupunta kaya si Lorraine sa office? Sana huwag. Ayaw kong maloka sa mga hinala niya. Ugh.

Malapit na mag-9. Wala pa rin si Gabriel. Male-late na ata siya. Yasss!

"Good morning!" Biglang bumukas yung pinto.

Nandito na siya. Akala ko pa naman nabaon na sa traffic 'to. Sayang!

"Good morning Sir! Akala ko malelate ka na eh!"

"Di 'yon mangyayari." he answered.

"Eh pag nangyari?" sagot ko.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon