Chapter 62

565 14 5
                                    

Happy 20k reads, GaLor bebes!! Special thanks to redbutterfly223 for helping me on this chapter. Hihi.

GABRIEL

I can still feel her lips on mine. It's been two decades ng hindi ko naramdaman ang desire sa mga halik ko. It's like going back 20 years ago. I respond to her kisses. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, my brain told me not to respond to it but my heart was as eager as a tiger that want to take the chance. The only thing I wanted to do right then and there is to respond her kisses. Siguro nga hindi ko na matiis kung ano man ang nararamdaman ko. Maybe I wanted to satisfy this hunger that was brewing inside me from the past years. She has the effect that gives a jolt of electricity on my body. She's affectionate that I can't resist.

Ang tao pala, kahit anong sabi nang utak mo, hindi sinusunod ng puso mo. Pero ano ba ang dapat sundin? Ang utak na alam kung ano ang tama o ang puso na ang alam lang ay gusto ka niyang mapasaya?

Parang dati lang, si Amelia ang iniiyakan ko. Ang gusto kong mabalik sa buhay ko. Tapos, dumating si Vicky para damayan ako. Tapos, bumalik si Amelia at iniwan ko si Vicky. Tapos, bigla ko na lang mari-realize na si Vicky pala ang dapat na pinili ko. Kaya ngayon, si Vicky na ang gusto kong makasama kaysa kay Amelia. Bakit ba kasi kapag nagdesisyon ka, akala mo iyon na ang tama, iyon na ang nararapat, pero sa kalagitnaan, bigla mo na lang maiisip na mali ka? Napakabilis nang mga pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi ko na masabayan. Para bang naiiwan na ako.

May mga kaya ngang gawin ang puso na di kaya ng utak. Ang puso kaya nito ipaalam sayo kung mahal mo ang isang tao. Ang utak, hindi. Ang kaya lang ng utak ay ang kontrahin ang puso.

Nahuli ko na lang ang sarili kong nakatitig sa locket na ibinigay ko kay Vicky. Ang locket na itinapon niya dahil sa sakit na ibinigay ko sa kanya. Binuksan ko ito. Pareho kaming nakangiti sa litrato. Napangiti ako sa nakita ko. Naaalala ko pa ang mga panahong sobrang saya namin. Ang panahong walang makakapigil sa pagmamahal namin sa isa't isa.

"Victoria..." bulong ko.

--

VICKY

Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko inaasahang magagawa ko ang mga iyon. Nung hinalikan ko siya, ramdam ko yung matagal na pagnanasa sa mga halik na iginaganti niya. I remembered his reaction. Di niya alam kung anong gagawin niya when I kissed him. He respond with more passion. I felt it even though my concentration was focused to Amelia. My emotions are jumbling inside my chest. Naguguluhan ako. I was about to be happy and successful dahil dama ko ang galit sa mga mata ni Amelia noong mga oras na iyon at alam kong isinumpa niya ako pero my heart is racing because of the jones na dulot ng halik na iyon.

I realized na binabasa ko na pala ang mga labi ko. I breath heavily.

"Arrrrrggh!" It's not a scream but my voice turned into a hoarse one. Hindi ko gustong ipamukha kay Gabriel na may pagnanasa ako sa kanya. Dahil natitiyak kong iniisip niya na may nararamdaman pa rin ako. Wala na nga ba talaga? I wanted to vanish this memory. Mas lalo akong hindi nakaka-focus. Pero siguro tama nga, tama na hinalikan ko siya. Papaasahin ko siya katulad ng pagpapaasang ginawa niya sa akin. I will make him fall inlove with me and once he'll start eating at the palms of my hands, I'll dump him. Dump him? Imposible. Mahal mo pa siya.

Tumingin lang ako sa kawalan. Inaalala ang bawat pangyayari kagabi. Sinimulan ko na. Hindi ko na pwedeng bawiin.

"Oo mahal kita. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo kailanman. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito, Toria. So, I'm begging you, don't play games with me. Hindi kita matatanggihan dahil mahal pa rin kita. Alam kong gusto mo ko gantihan. Pero, hindi pa ba sapat ang nangyayari sa akin ngayon? Hindi pa ba?"

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon