Chapter 56: Losing a Broken Stoic Man

642 12 3
                                    

VICKY

Hanggang ngayon, isang katanungan pa rin sa akin kung sino ang nag-donate ng bone marrow kay Lorey. Gusto ko siyang pasalamatan. Pero isa lang ang taongat naiisip kong gumawa 'non. Si Gabr-- Vicky, hindi. Sabi niya hindi niya ang anak niyo, kaya huwag ka nang umasa na siya ang gumawa 'non. Huwag ka nang umasang may puso siya. Huwag ka nang umasang may pagmamahal pa siya sa anak niyo.

Nag-aayos ako ng gamit ni Lorey ngayon dahil kakalabas niya nga lang ng hospital. Nang biglang pumasok si John. He sat beside me and held my hand.

"Love, we will be attending the mass later, okay? Pagpapasalamat na rin natin na okay na si Lorey." bulong niya sa akin.

I looked at him and smiled.

"John, salamat. Maraming salamat sa lahat." I squeezed his hand.

"For you, my Vicky... For you." he said then kissed my forehead.

--
"Mom, where are we going?" Lorey asked habang nakasakay kami ng sasakyan.

"We're going to thank God for saving you. We'll ask God to bless the man who saved you." sagot ko sa kanya.

She smiled.

"Mom, sana po makita po ulit natin siya. I will thank him for saving my life. Sana makita po natin ulit siya."

Lorey is back. The joyful, jolly, and energetic Lorey is back. My daughter is back. Nakikita ko na ulit ang side niya na nawala ng ilang araw. Ang mga ngiti niyang nagpapasaya sa akin.

"Sana nga makita natin siya. Walang hanggang pasasalamat ang ibibigay ko sa kanya dahil sa pagliligtas niya sayo."

--

GABRIEL

Katabi ko ngayon si Nicholo at pinapapanood ko siya magdrawing. Nang biglang sumagimsa isip ko si Lorey. Ang anak namin ni Vicky. Kasiyahan ang naramdaman ko nang malaman kong okay na siya. Hindi ko pinasabi sa mga doctor na ako ang nag-donate ng bone marrow kay Lorey dahil ayaw kong malaman pa ni Vicky. Dahil alam kong pupuntahan niya ako muli at baka makita na naman siya ni Amelia. Ayaw ko na siyang masaktan pa.

"Please don' t tell anybody, who I am. Don't tell anybody that I am the one who donated bone marrow. Please..." sabi ko pagkatapos ng ginawa sa akin.

"Pero Sir, what if her mother asks?" sabi ng nurse sa akin.

"Just don't tell her." I said.

Nagmamadali akong umalis ng hospital pagkatapos kong halikan sa noo at mayakap si Lorey. Ang sakit sakit na hindi niya ako nakilala bilang ama niya.

"Honey, pwede ba tayong magsimba ngayon? Just to thank God na masaya ang pamilya natin." I said as Amelia sat on the other side of Nicholo.

"Sure," she smiled, "Nic, tara let's change our clothes na." she told Nicholo at umakyat na sila.

Ipagpapasalamat ko sa Diyos na ligtas na ang anak ko. Ipagpapasalamat ko na kahit minsan nayakap ko siya at nahalikan.
--

Pagpasok namin ng simbahan, nakita ko ang isang pamilyar na tao sa akin. Kasama niya ang kanyang pamilya. Kasama niya ang bago niyang mahal. Kasama niya ang taong bagong nagpapasaya sa kanya.

Napakasaya ko dahil nakikita ko si Lorey na masaya at napaka-sigla na ulit. Sana makasama ko siya ng matagal.

Napaka-timing ng lahat-lahat ng nangyari.

Nakuhanan na ako ng bone marrow ni Dr. Pascual nang tawagin siya ng nurse.

And it was positive.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon