Chapter 54

538 18 11
                                    

VICKY

Wala na akong choice kung hindi gawin ito. Ito lamang ang natitirang paraan. Gagawin ko ito hindi para ibalik ang lahat, hindi pa ako handang pag-usapan ang lahat-lahat. Gagawin ko ito para sa kaligtasan ni Lorey. Wala ng oras. Wala ng panahon para isipin ang nakaraan. Para akong sinaksak ng mapakatalim na kutsilyo sa dibdib ko nang marinig kong negative ang biospy. Napakabaon ng pagkakatarak. Halos hindi ako makahinga. Kaya napag-desisyunan namin ni John na gawin ito. Ako na ang mag-isang pumunta sa Arellano, hindi ko kagustuhang magkita sila ni Gabriel. Pagkagising ko kanina, nagmadali akong mag-ayos at nagpaalam sa mag-ama ko. Bahala na. Bahala na kung anong isipin niya. Ibababa ko na ang dangal ko at kakapalan ang pagmumukha na harapin siyang muli. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin niya at malaman niya na hindi ko ginawa ang sinabi niya noon. Hindi naman siya demonyo para hindian ang pangangailangan ng anak niya. Matapos lang ang lahat ng ito, hinding-hindi na ako magpapakita at manggugulo sa kanya.

Pagkapasok ko sa loob ng building, nakilala ako ng ibang empleyado at binati pa ako. Dumiretso na ako sa office ni Gabriel, nakilala ko ang bago niyang sekretarya na nasa labas. Kinausap ko siya at nagulat akong kilala niya ako. Siguro naike-kwento ng mga kasamahan niya. Posible naman siguro iyon. Tumango siya sa akin ng tanungin ko kung may appointment si Gabriel ngayon at sinabing wala.

I was about to open the door. Nakahawak na ang mga kamay ko sa doorknob pero inalis ko ito. Kinakabahan ako. Unorganized pa ang mga sasabihin ko sa kanya, ayokong kabahan sa muli naming pagkikita.

I breathe heavily at binuksan ang pinto.

Walang nagbago sa opisina niya. Ganoon pa rin. Maliban na lang sa dati kong table na nasa loob at ngayon ay nasa labas na.

He was standing facing the window behind his desk.

Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kinaroroonan niya.

GABRIEL

"Gabriel." May pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Hindi ako kaagad lumingon dahil baka hallucination ko lang ito.

"Riel.." Ulit niya. Lumingon na ako and I saw her. Nagbalik siya. Para ano?

"Vicky.." I said almost whispering. "What you're doing here? Why?"

Tinitigan ko siyang mabuti. Siya nga. Ang mukhang anim na taon kong hindi nakita. Ang babaeng labis kong nasaktan noong anim na taon ang nakararaan. Nakatayo lang siya. Hindi gumagalawa. Is it real? O nananaginip na naman ako. We're just staring each other. Bakit siya nagbalik? Finally, lumakad siya palapit sa akin. But still there's no expression, I can feel.. I can feel guilt ngayong nakita ko na siya ulit.

"I need to talk to you." She said casually. I watch her wholeness. Walang pagbabago maliban sa empty niyang mukha. Marami na siya sigurong nararanasang problema, sakit, pighati at pagdurusa.

"What is it all about, Vicky?" Tanong ko. Tumingin siya sa baba.

"Kailangan ka ng anak natin." Sagot niya. Anak namin? Ibig niyang sa sabihin hindi niya ginawa ang sinabi kong kawalang-hiyaan noon. At siya yung batang nakita kong kasama nila ni John. Kailangan niya ako? Bakit?

"Why, Vicky?" I ask. "What's wrong? Tell me."

Her eyes shine as water covered them. Naaawa ako. Naaawa ako sa kalagayan niya. Siya ang binagsakan ko lahat ng sakit.

"She was diagnosed having a Leukemia." Saad niya na halos kapos sa boses. She was so broken. Leukemia? Oh shit. Napakalubha ng anak namin. How did she get it? I want to hug her para i-comfort. Pero hindi ko pa kaya. "Kailangan niya ng bone marrow na manggagaling sayo." My bone marrow. Yes, I knew some about it.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon