Chapter 48

568 16 11
                                    

VICKY

"Mom. Can you fix my braid? I did it and it looks like a mess." My Lorey said.

She is so cute. Hindi ako nagsasawang laruin at alagaan siya. Inayos ko ang kaunting gulo sa ginawa niyang braid.

Anim na taon na ang nakalipas mula ng maramdaman ko ang pinakamasakit na kirot sa puso ko.

Anim na taon na rin ang nakalipas simula ng ibinaon ko na ito sa limot.

Wala na akong balita sa Pilipinas maliban kina Mama, Papa at Alex.

Simula ng pumayag akong akuin ni John lahat ng responsibilidad sa akin, dito na kami nakatira sa Chicago.

Tumuloy kami sa dati kong apartment dito pero nang makahanap na kami ng bahay, lumipat na kami.

Dito na rin kami nagpakasal ni John.

Pati na rin ang panganganak ko kay Lorey.

Ito na yata ang pinakamakahulugang lugar sa buhay ko.

Mapalad pa rin ako dahil ibinigay ng Diyos sa akin si John. Napakalaking tulong niya sa akin, at ngayon unti-unti ko na siyang minamahal. At lalo na ng maisilang ko si Lorey. Kaunti lamang ang nakuha niyang physical features kay Gabriel pero sa mga paborito, halos lahat. Tanggap na tanggap ni John si Lorey at totoong anak ang turing nito sa kanya. Kung sana hindi ko alam na iba ang ama niya, masasabi kong mag-ama silang dalawa. Hindi nagkukulang si John sa amin ni Lorey. Naibibigay niya ang lahat ng oras na kailangan namin dahil mayroon na ring extension office ang kumpanya nila dito sa Chicago. He's doing everything para mapasaya kami.

I'm staring at the mirror.

My Lorey is so beautiful.

"I love looking our faces on the mirror mom. We both have this attractive mole above our lip." She said with a sweet and charming voice. She's growing smartly. Masasabi kong tama ang pagpapalaki ko sa kanya.

I smiled at her in the mirror.

Umupo kaming dalawa sa kama.

"Sweetie.." I said habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Tumingala siya sa akin.

She has the most wonderful eyes.

"Are you having fun with just me and your dad?" I ask her sincerely.

Minsan naiisip ko na baka malungkot siya dahil wala siyang ibang nakakasama sa bahay kundi ako at si John lang.

Sa anim na taon naming pamamalagi dito, wala kaming naging close friends. Dahil sa panahon ngayon, mahirap na ang magtiwala. Masaya kami na tatlo lang pero alam kong minsan nakakaramdam siya ng bagot at naghahanap ng iba. Ayoko siyang lumaki na nag-iisa at masyadong malayo sa mga bagay-bagay. Ayokong ma-isolate siya sa mundo. Pero madalas siyang nagkakasakit at mahina ang kanyang resistensiya kaya madalang lang kaming mamasyal at makihalubilo sa tao.

"Of course mom. But sometimes, I am looking for others to play with. Just like what I see kids doing in the tv."sagot niya.

Madalas akong nalulungkot sa tuwing nakikita ko siyang nanonood ng tv mag-isa, naglalaro sa kwarto ng mag-isa, magbasa at sumayaw ng mag-isa. Tanging sarili lamang niya ang kasama niya sa tuwing ginagawa niya ang mga ito.

"Uhmmm. Do you want to visit Philippines where Lolo and Lola and Tita Alex are there?" Gusto ko lang maiba ang mga ito. And this is the perfect idea na naiisip ko. Mas maganda na rin para alam niya kung saan talaga siya nanggaling. Ayoko namang habang buhay kaming mamuhay ng tatatlo lang.

Lumiwanag ang mga mukha niya nang narinig niya ito.

"Yes. Yes mom! I want to. Please mommy, I want to be with them finally. I only see them through the camera, gusto ko po sila makita, I want to hug them and kiss them!" Tuwang-tuwa niyang sabi.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon